Advertisements

Wednesday, December 1, 2021

Ellen Adarna: Answered prayer ng ina ni Derek Ramsay para sa kaniyang anak!

Galing man sina Ellen Adarna at Derek Ramsay sa mga “high-profile relationships” nila noon sa mga sikat na artista ay hindi ito naging hadlang upang hindi nila ipagpatuloy ang kanilang relasyon. “Whirlwind romance” man kung ituring ng maraming mga netizens, ngunit para kina Ellen at Derek ay talagang itinadhana silang dalawa para sa isa’t-isa. 

Nito lamang Nobyembre 11, 2021 ay ikinasal na ang dalawa sa isang luxury resort sa Bagac, Bataan. Dinaluhan ito ng mga malalapit nilang pamilya at kaibigan. 


Advertisements

Naroroon din ang mga anak nila na sina Austin (anak ni Derek sa dati niyang asawa na si Mary Christine Jolly) at Elias Modesto (anak ni Ellen sa dating nobyong si John Lloyd Cruz). Maging ang alagang aso ni Derek ay kasama din sa “wedding entourage”.

Talaga namang pinag-usapan ng husto ang kasalan nilang ito. Maging ang unang gabi sana nila bilang ganap na mag-asawa ay inulan din ng komento mula sa mga netizens dahil kasama pala nilang natulog sa kanilang kwarto ang ina ni Ellen na si Meriam Go.

At kamakailan lamang ay nakapanayam din ni Pat-P Daza ng Philstar ang ina ni Derek na si Remedios Ramsay. Sa naturang interview ay naikwento ng ina na si Ellen daw talaga ang kasagutan sa kaniyang mga dalangin noon pa man para sa kaniyang anak na si Derek. 


Advertisements

Matagal na daw talagang nagdarasal ang ina ng aktor na makahanap na ito ng kaniyang soulmate ngunit sa mahabang panahon ay tila walang nangyayari. 

“It’s no secret they both came from high-profile relationships that lasted over a year. Everyone was surprised it happened so fast but for me, things always happen for a reason, the reason being that my prayers were answered.” Pagsasalaysay ng ina ng aktor.

“I have been praying for so long that my son would find someone who loves him sincerely and will give him everlasting happiness. I can see now that my son is very happy when he is with Ellen, and likewise Ellen is the same. Everybody can see how happy Derek is now.” Dagdag pa nito.


No comments:

Post a Comment