Advertisements

Monday, December 6, 2021

Ellen Adarna, spoiled at pampered wife sa piling ng kaniyang mister na si Derek Ramsay!

Si Ellen Meriam Go Adarna-Ramsay o mas nakilala natin sa kaniyang screen name na Ellen Adarna ay 33 taong gulang na aktres at modelo. Isa rin siyang sikat na internet celebrity. 

Marami ang humahanga sa kaniya dahil sa angkin niyang kaseksihan at kagandahan. Siya rin ang tanging heredera ng kaniyang mga negosyanteng magulang na nagmamay-ari ng ilang mga hotels, condominiums at  ng Queensland na isang chain ng mga motel sa Cebu, Manila at Davao. 


Advertisements

Mayroon din silang ipinatayong templo para sa nasira niyang lola. Marami din ang talagang tumutok sa naging relasyon nila ng batikang aktor na si John Lloyd Cruz, nagkaroon sila ng isang anak na pinangalan nilang Elias Modesto.

Nito lamang Nobyembre nang magpakasal sila ng kaniyang nobyo na si Derek Ramsay. Sari-saring opinyon ang natanggap nila mula sa publiko dahil na rin sa tila “whirlwind romance” ng dalawa. 

Ngunit para sa kanila at sa kanilang mga malalapit na kaibigan ay talagang pinagtagpo sila ng tadhana. Aktibo rin sa social media ang bagong kasal at madalas na makikita ang kulitan at asaran nilang dalawa.

Kamakailan lamang, isang video na naman ang pinag-usapan ng kanilang mga tagahanga dahil sa video na iyon ay makikitang inaalagaan ng husto at talagang minamasahe pa ni Derek ang balikat ng kaniyang misis. Mapapansin naman sa mukha ni Ellen na nakarelaks talaga ito at mayroon ding ngiti sa kaniyang mga labi. 

May pang-aasar din ang caption ni Ellen sa naturang video kung saan sinabi niyang “in love na in love yan ahahaha”. Sa ngayon ay marami sa kanilang mga kaibigan ang nakakapansin na nahihilig kumain ang aktres. 


Advertisements

Marami tuloy sa kanilang mga kaibigan ang tumutukso sa dalawa na marahil ay buntis na ang aktres. Sa kabila ng usap-usapan na ito ay wala pa ring kumpirmasyon mula sa bagong kasal. 

Marami din ang excited na kung sakaling nagdadalang-tao na nga ang aktres.

No comments:

Post a Comment