Advertisements

Friday, December 24, 2021

Kris Bernal, sobrang nasaktan nang malaman na hindi na ire-renew ng GMA ang kaniyang kontrata sa loob ng 13 taong pamamalagi sa network!

Naging maingay na namang muli ang pangalan ng isang Kapuso actress at ito ay walang iba kundi si Kris Bernal. Si Kristine Ann Tan Bernal-Choi ay 32 taong gulang na aktres na una nating nakilala sa reality-based talent search na “StarStruck” ng GMA network. 


Advertisements

Isa siya sa tinanghal na “StarStruck 4 Ultimate Love Team”, kasama si Mart Escudero, noong taong 2007. Mas lalo siyang nakilala sa tambalan nila ng aktor na si Aljur Abrenica, ilang mga proyekto din ang kanilang pinagsamahang dalawa. 

Narito ang ilan sa mga proyekto na pinagbidahan ni Kris “Dapat Ka Bang Mahalin?”, “All My Life”, “Koreana”, “Hiram Na Puso”, “Coffee Prince”, “Prinsesa Ng Buhay Ko”, “Hiram Na Alaala”, “Impostora”, at “Asawa Ko, Karibal Ko”. Ngunit sa gitna ng inakala nating matagumpay niyang karera ay mayroon palang naging karanasan noon si Kris kung saan talagang dumating sa punto ng kaniyang buhay na tinanong niya sa kaniyang sarili ang kaniyang halaga bilang isang indibidwal at bilang isang artista. 


Advertisements

Ito ay nang pumutok ang isyu na hindi na ni-renew pa ng GMA network ang kaniyang kontrata.

“When I finally got the memo na they’re no longer renewing me, parang the first word na nag-struck sa buong katawan ko at buong puso ko, na parang, ‘I was a failure.’ And parang, 'I just didn’t fail myself but I also failed my family. I also failed my fans,' Emosyonal na komento ng aktres nang muli siyang tanungin tungkol sa isyu na ito sa ToniTalks ni Toni Gonzaga, Disyembre 19, 2021.

Kahit daw isang taon na ang nakakaraan ay talagang nasasaktan pa rin siya sa tuwing maaalala niya ito. Hindi rin daw niya kasi maintindihan kung bakit sa tagal nang pananatili niya sa kaniyang home network ay hindi siya nabigyan ng pagkakataon na muling makapag-renew ng kontrata.

Nalungkot siya ng husto at nawalan ng pag-asa lalo na at marami na ring mga bagong artista ang ipinakikilala ng network. 

“Kasi, okay naman. I mean, hindi naman ako nag-a-attitude. And then, sabi ko nga, lagi ko namang ibinibigay yung best ko. And actually, until today, question pa rin siya sa akin.” Pahayag niya.

“Nagkaka-insecurities din ako kasi parang siyempre may mga iba na ding bago. Kumbaga, parang they're open na din to renewing other actors.” Dagdag pa ng aktres.

No comments:

Post a Comment