Advertisements

Wednesday, December 8, 2021

Lolit Solis, ipinagtanggol si Alden Richards sa mga bashers na nagsasabing naging moody na at sumama na ang ugali niya!

Si Richard Reyes Faulkerson Jr., o mas nakilala natin bilang si Alden Richards ay 29 taong gulang na aktor, host, singer, at entrepreneur. Siya ang binansagang Asia's Multimedia Star matapos niyang magwagi sa 2019 Seoul International Drama Award, Asian Star Prize na ang katumbas ay Best Acting Award na ginanap sa South Korea. 

Kamakailan lamang ay mayroong balitang kumakalat na diumano ay naging moody at sumama na ang ugali ng aktor. Hindi na raw ito katulad ng dati na mabati at pasensyoso. Para naman sa batikang kolumnista at talent manager na si Lolit Solis ay napakaimposibleng mangyari nito na ang isang Alden ay magiging masama ang ugali nang basta basta na lamang. 


Advertisements

Marahil daw ay mayroong isang taong natiyempuhan na siya ay pagod o masama ang pakiramdam at inakala na kaagad na masama na ang ugali ng aktor. Kilala daw si Alden ng mga kasamahan niya sa industriya bilang isang sweet at magalang na tao.

Ayon pa sa source ni Lolit ay mahirap na daw diumanong makausap ang aktor patungkol sa mga maliit na bagay tulad na lamang ng pagbabago ng taping, sked, o di kaya naman ay script.

“Sinasabi nila na ngayon daw medyo mahirap ng kausapin ito tungkol sa maliliit na bagay re mga pagbabago sa taping, sked o script. Hindi rin ako maniniwala, ang hirap yata mabago iyon nakalakhan mo na. Mula’t sapul sweet at magalang si Alden Richards, never mo siyang nakitang nagbago kahit sa pakikipag usap.” Komento ni Lolit.


Advertisements

“Saka nakita mo kung gaano siya alagaan nila mama Tenten at Sam kaya alam mo na never magbabago si Alden. Iyon ang mahirap sa ibang tao, minsan makita nila na wala sa mood ikakalat na agad nila na nagbago.” Dagdag pa niya.

Dapat din daw isaalang-alang ng publiko na tao rin ang mga iniidolo nilang artista. Maaaring may mga “bad days”, napapagod at nahihirapan din kung kaya naman dapat nilang maunawaan ito at maging pasensyoso sila.

No comments:

Post a Comment