Advertisements

Friday, December 24, 2021

Mag-asawang Slater Young at Kryz Uy, ibinahagi sa publiko ang mahirap na karanasan sa pagsalanta ng bagyong Odette sa kanilang lugar!

Si Jan Slater Lee Young o mas nakilala natin bilang si Slater Young ng Pinoy Big Brother: Unlimited in 2012 ay isang engineer, entreprenyur, aktor, modelo, at TV personality mula sa Cebu. Taong 2019 nang ikasal sila ng kaniyang misis na isang vlogger din na si Kryz Uy. 

Nang sumunod na taon, Hunyo 2020 ay isinilang ni Kryz ang panganay nilang anak na si Scott at nito lamang Nobyembre 2021 ay ibinahagi nila sa kanilang YouTube channel na buntis sa ikalawang anak nila si Kryz. Talaga namang inaabangan ng publiko ang kanilang mga contents sa kanilang mga vlogs.


Advertisements

Maliban dito ay kilalang engineer din si Slater kung kaya naman ang kanilang bahay ay maituturing ding obra nito. Ngunit hindi rin ito nakaligtas sa hagupit ni Bagyong Odette nito lamang Disyembre 2021 na talaga namang sumira sa napakaraming mga tahanan at establisyemento. 

Maging ang “well-built house” ng mag-asawa ay talagang nasira din ng bagyo. Ipinasilip ng mag-asawa ang kalagayan ngayon ng kanilang tahanan na kahit gawa sa glass ay talagang sinigurado nilang matibay ang mga materyales. 


Advertisements

Hindi man nabasag ang kabuuan ng kanilang tahanan ay nagkaroon din naman ng mga sira at butas ang kanilang bubong. Maging ang mga malalaking puno sa kanilang paligid ay nagsibagsak din at naging dahilan upang hindi madaanan ang karamihan ng mga daan sa kanilang lugar. 

Maging ang pagpila daw sa mga gasolinahan at bilihan ng inuming tubig ay inaabot daw ng apat na oras! Ibinahagi din ng mag-asawa na nagtago silang dalawa sa walk-in closet ni Kryz dahil dito ay walang masyadong glass. Habang ang anak nilang si Scott ay nasa kwarto nito na gawa sa mga light blocks kung saan siya mas magiging ligtas kasama ang kanilang kasambahay. 

Sa ngayon ay kinukumpuni na ni Slater ang ibang bahagi ng kanilang tahanan. Ipinagamit na rin niya ang kaniyang warehouse para sa ilang empleyado nilang walang masisilungan at nag-oorganisa na rin sila ng pagtulong para sa mga taong mas nangangailangan ng tulong sa kanilang lugar ngayon. 

No comments:

Post a Comment