Advertisements

Tuesday, December 7, 2021

Marian Rivera, nagtungo na sa Israel upang gampanan ang kaniyang pagiging hurado sa prestihiyosong Miss Universe pageant!

Talaga namang hindi mapakali at talagang excited na excited na ang mga tagahanga at tagasuporta ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera para sa gaganaping 70th Miss Universe pageant. Isa kasi siya sa mga naimbitahan upang maging hurado ng international beauty pageant. 

Una na siyang binati ng kaniyang pinakamamahal na asawang si Dingdong Dantes kung saan ipinahayag nitong ang aktres ang Miss Universe ng buhay niya. Kasama din si Dingdong ng kaniyang asawa bilang pagsuporta nito sa “once-in-a-lifetime opportunity” na pinaunlakan ng kaniyang kabiyak. 

Gayundin naman ay talagang handa ang buong glam team ni Marian dahil maliban sa 10 luggage ng aktres ay mayroon pang 20 mga outfits na bitbit ang kaniyang team para sa aktres! Ilang opisyal din ng Triple A Management ang sumama at sumuporta sa aktres. 

Ayon pa kay Marian, masayang masaya daw siya sa oportunidad na ito na mapabilang sa mga hurado ng prestihiyosong beauty pageant. Dahil dito ay nais niya rin na bigyang-pagkilala ang mga local designers sa ating bansa kung kaya naman ang kaniyang mga susuotin sa Miss Universe ay gawa dito sa Pilipinas at sariling atin. 

“’Yung iba kasi depende kung ano ang pupuntahan niya, like kunwari cocktail or gown or kung welcome party, at least covered namin ’yung looks,” pahayag ni Mel Sy isa sa mga stylist ng aktres.


Advertisements

Matapang din namang sinagot Marian ang kaniyang mga bashers na aabangan daw ang pagsasalita niya ng Ingles sa Miss Universe:

“Aaminin ko na hindi naman talaga English ang first language ko kundi Filipino at kinuha nila ako dahil sa aking body of work bilang isang Filipina. At ang masasabi ko lang, kilala n’yo naman ako. Hindi ako mapagpanggap ‘di ba? So, ie-express ko ang sarili ko na naaayon sa nararamdaman ko sa araw na ‘yan.” Pahayag ni Marian.


Advertisements


Umani ito ng maraming positibong reaksyon at komento mula sa publiko.

No comments:

Post a Comment