Advertisements

Monday, December 6, 2021

Marian Rivera, sinagot ang kaniyang mga bashers na maghihintay daw na magsalita siya ng Ingles sa pagiging judge niya sa Miss Universe 2021!

Si Marian Rivera Gracia-Dantes o Marian Gracia Rivera de Dantes ay 37 taong gulang na commercial model at aktres. Ilan sa mga sikat na karakter na kaniyang ginampanan ay ang MariMar, Dyesebel, Amaya, Darna at Angeline sa Temptation of Wife.


Advertisements

Isa rin siyang recording artist, at nakapag-release na siya ng dalawang studio albums: the Marian Rivera Dance Hits at Retro Crazy. Sa ngayon ay isa pa rin siya sa itinuturing na pinakamahusay at pinakamagandang mukha sa industriya ng showbiz. 

Hindi na rin nakapagtataka na mapili siya at mapabilang sa mga magiging hurado sa gaganaping Miss Universe 2021 ang Kapuso Primetime Queen. Sa ngayon ay naghahanda na siya sa kaniyang pagpunta sa Israel kung saan gaganapin ang coronation night sa Disyembre 12 Easter time zone (Disyembre 13, 7 a.m, Philipine time). 

Dahil sa international at prestihiyoso talaga ang pageant na ito ay marami ang nagsulputang bashers ng aktres. Marami ang kinukuwestiyon kung bakit siya daw ang napili ng prestihiyosong patimpalak na maging isa sa mga hurado nito.


Advertisements

Marami din ang nagsabing aabangan daw nila ang pagsasalita niya ng English kapag Question-and-Answer portion na. Ito naman ang tanging komento ni Marian patungkol sa isyu:

"Siguro aaminin ko, para sa akin, minsan lang kasi mabigyan ang isang tao ng ganito kahalagang gagampanan mo sa isang Miss U, na kunsaan ay napakahalagang okasyon na magsasama-sama ang lahat. Para sa akin, isang malaking karangalan ito," bungad ng Kapuso actress.

“At siyempre, bukod dun, aaminin ko na hindi naman talaga English ang first language ko kung hindi Filipino. At kinuha nila ako dahil sa aking body of work bilang isang Filipina. At ang masasabi ko lang, kilala niyo naman ako. Hindi naman ako mapagpanggap, di ba? So, ie-express ko ang sarili ko na naaayon sa nararamdaman ko sa araw na ‘yan." Pahayag ng Kapuso Primetime Queen.

No comments:

Post a Comment