Advertisements

Wednesday, December 1, 2021

Maxine Medina, mayroong komento patungkol sa pagpapaseksi nina Kylie Verzosa at Cindy Miranda!

Mula noon hanggang ngayon, talagang marami pa rin sa ating mga Pilipino ang nangangarap na pasukin ang mundo ng showbiz. Iba rin kasi talaga ang tagumpay at kasikatan na maaaring makamit ng isang tao lalo na kung talagang nabigyan siya ng break sa showbiz. 

Maging ang ilang mga pulitiko, atleta, at mga beauty queen ay hindi na rin nagdadalawang-isip pa na pasukin ang maingay at magulong mundo na ito ng showbiz. Nito lamang Nobyembre 4, 2021 ay nagkaroon ng exclusive interview ang Cabinet Files kay Miss Universe 2016 finalist Maxine Medina. 

Sa ngayon ay aktibo na rin sa showbiz si Maxine at talaga marami na rin siyang tagahanga dahil sa pambihirang talento rin niya sa pag-arte. Nang siya naman ay tanungin patungkol sa kaniyang opinyon sa pagpapaseksi nina Miss International 2016 Kylie Verzosa at Binibining Pilipinas Tourism 2013 Cindy Mirand sa kanilang mga proyekto, ito lamang ang kaniyang naging kasagutan:


Advertisements

"For me, hindi talaga ako ready sa ganoon. Kinalakihan ko na rin po talaga yung very conservative. That’s my opinion. I think, yung ginagawa naman nila is art." Pahayag ni Maxine.

Nirerespeto naman daw ni Kylie ang opinyon ng kapwa niya beauty queen at wala siyang ibang hangad kundi ang “the best” para kay Maxine.


Advertisements

Samantala ay hindi naman nagkomento si Cindy tungkol dito. Bagkus ay naikwento nito ang isa pang beauty queen na si Miss Universe [Philippines 2020] Rabiya Mateo dahil inspired daw ito sa kaniya. Ngayon ay pinasok na din nito ang showbiz.

“Our Miss Universe [Philippines 2020] Rabiya, she actually messaged me na sobrang tuwang-tuwa raw siya sa akin. Nakaka-inspire daw ako kasi nakikita nga niya yung mga post ko. Sabi ko nga sa kanya, I wanted to meet her kasi never pa kami nag-meet in person. Natutuwa ako, pina-follow niya ako, tinitingnan niya yung mga stories. Sana makatrabaho ko siya.” Pagkukwento ni Cindy.


No comments:

Post a Comment