Advertisements

Tuesday, December 7, 2021

Nanay ni Diego Loyzaga na si Teresa Loyzaga, nagsalita na patungkol sa pagkakadawit ng pangalan ni AJ Raval sa relasyon ng magkasintahang Barbie at Diego!

Talaga namang pinagpiyestahan ng publiko ang diumano ay “kabit issue” na patungkol kay AJ Raval. Ayon sa ilang mga kuro-kuro ay si AJ diumano ang babaeng nililigawan ni Diego kahit pa nga may nobya na ito, si Barbie. 

Dahil sa mga kumakalat na isyung ito ay matapang na nagsalita si Barbie at sinabing:


Advertisements

“Yung about doon kay AJ Raval, for me kasi, ‘di ba, if wala kang kinalaman, or alam mo naman na hindi ka kabit ni Diego, magsalita ka.”


“For me, bakit parang gusto mo na nangyayari ‘to lahat, na nagka-thing kayo ni Diego? Gusto mo maging kabit? E, hindi ka nga gusto ng boyfriend ko,” Dagdag pa ni Barbie sa matapang niyang pahayag.

Para naman kay AJ, laking pagtataka niya ng mga panahong iyon kung saan talaga nagsimula ang naturang issue. Hindi rin daw siya nagalit sa aktres sa mga masasakit na salitang nabitawan nito dahil marahil ay dala lamang din ito ng kaniyang emosyon. 

Gusto talaga ni Barbie na magsalita siya ngunit para sa kaniya ay wala naman siyang dapat sabihin o aminin kung kaya naman nananatili na lamang na tikom ang kaniyang bibig.


Advertisements

“I think my peace of mind comes from the fact that I did nothing wrong,”Dagdag pa ni AJ.

Para naman sa nanay ni Diego na si Teresa Loyzaga, naranasan na din daw niyang masiraan noon kung kaya naman batid niya din ang pinagdaraanan ni AJ. Kilala din daw niya ang dalaga at ang ama nito kung kaya naman batid niyang mabuti itong tao. 

Patungkol naman sa issue na mayroon na raw itong anak sa Pampanga, wala naman daw kaso dito dahil si Teresa mismo ay nanganak at isa ring single mom kung kaya naman bilang babae ay walang dapat ikatakot o ikahiya dito. Dapat daw ay matuto tayong rumespeto sa tao at layuan na lamang ang mga “Chismosong Frog” na marahil ay pinatutungkulan niya ay si Xian Gaza.

No comments:

Post a Comment