Advertisements

Wednesday, December 1, 2021

PBB housemates Brenda at Madam Inutz may matatapang na pahayag patungkol sa kapwa nila housemate na si Alexa Ilacad, mga netizens hati ang opinyon tungkol dito!

Madalas na nating naririnig noon pa man na magulo at maingay talaga ang mundo ng showbiz. Mahirap man ngunit marami pa rin talaga sa atin ang nangangarap na makapasok sa industriyang ito dahil kung mabibigyan ng pagkakataon ay talagang kikita ka ng malaki at magiging mabilis ang tagumpay na iyong makakamit. 

Isa na marahil sa pinakamabilis na paraan ay ang pagpasok sa ilang mga reality game show tulad na lamang halimbawa ng “Pinoy Big Brother” na isang franchise. Talagang marami na ang sumikat at nakilala sa ilang mga artistang nanalo at nagsimula dito. 


Advertisements

Kamakailan lamang ay muli na namang umugong ang usap-usapan tungkol sa mga kaganapan sa loob ng Bahay ni Kuya. Tulad na lamang ng naging pahayag nina Brenda at Madam Inutz patungkol sa isa pang housemate na si Alexa Ilacad. 

Nominated kasi sina Karen Bordador at Alexa Ilacad para sa eviction ngayong linggo. Pinag-uusapan nina Brenda at Madam Inutz ang tungkol sa aktres. 

"Ako tingin ko talaga jan, Karen or Alexa (ang mae-evict). Pero kung malakas ang supporters ni Alexa–" Pahayag ni Madam Inutz.


Advertisements

"Paano maganda ba editing kay TJ? E, ang ganda ng editing ni Alexa." Komento naman ni Brenda.

Ayon din sa kanila puro lamang daw tungkol sa musika ang naiaambag ni Alexa sa grupo. Iyakin din daw ang kanilang grupo dahil wala naman daw talagang ginagawa ang mga ito. Mariin din nilang sinabi na wala ring bilang ang lakas ng aktres.

“Sa lahat ng task, wala siya ambag. 'Yun lang 'yung sa play, kanta lang, sirena siya. Walang silbi, ganda lang talaga. Sa HOH, laging lampa. Sa lutuan naman, walang kwenta, panay pa tago ng tinapay tsaka itlog, panay lamon pa. Kapag kumakain, hindi nagpapaalam. 'Yun lang ambag niya love team love team, pero siya laging nase-save." 


Maraming mga fans ng aktres ang umalma ngunit karamihan din naman sa mga netizens ang sumang-ayon na mayroon ding punto sina Brenda at Madam Inutz.

No comments:

Post a Comment