Advertisements

Monday, December 6, 2021

Ruffa Gutierrez, napansin ng mga netizens sa komento nitong hindi isyu sa kaniya ang height ni Herbert Bautista!

Nito lamang 2020 nang maging magkatrabaho sina Herbert Bautista at Ruffa Gutierrez sa online series nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na pinamagatang "The House Arrest of Us". Nang maging maingay din naman ang engagement ni Kris Aquino sa kaniyang fiancé na si Mel Senen Sevilla Sarmiento ay naging mainit na usapin ang pahayag ni Kris patungkol sa “beautiful girlfriend” ni Herbert. 


Advertisements

Marami ang nagsasabing ito nga raw ang 47 taong gulang na model, beauty queen, host at aktres na si Ruffa Gutierrez. Nagkaroon din naman nang pahayag ang kaniyang ina na si Annabelle Rama at sinabi nitong “Maliit pero mabait” ang actor-politician. 

Ang pumukaw sa atensyong ng publiko ay ang komento ni Ruffa na nagsasabing:

"Maliit?? Well, I’m 5’10 so more than half of Filipino men are shorter than me. Besides, height doesn’t matter. Or does it?" Pahayag ni Ruffa.

Wala pang kumpirmasyon at tuwirang sagot mula sa magkabilang panig. Ngunit nang tanungin ang dating Mayor ng Quezon City tungkol sa tunay nilang relasyon ni Ruffa, walang ibang nasambit ang aktor kundi:


Advertisements

"Sige, ganito na lang. Alamin niyo muna kay Tita Annabelle kung ano ang gusto niya para kay Ruffa. Ganoon na lang muna. Kayo na lang muna ang magtanong sa kanya. So after this, puntahan niyo si Tita Annabelle para malaman niyo kung ano ang gusto niya para kay Ruffa." Komento ng aktor sa mga reporters

Hindi rin naman kinumpirma ni Annabelle Rama ang tunay na relasyon ng dalawa ngunit ang tanging pahayag lamang niya ay "medyo maliit lang, pero okay lang." Nabanggit din ng sikat na talent manager na suportado niya ang kandidatura ni Herbert sa pagka-Senador sa eleksyon sa susunod na taon. 

Ito rin daw ang nag-engganyo sa kaniyang anak na si Ruffa na ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral kung kaya nag-enroll ito sa ilang mga online classes.

No comments:

Post a Comment