Advertisements

Sunday, December 12, 2021

Winwyn Marquez sinagot na ang isang “blind item” patungkol diumano sa kaniya na magiging isang nanay na?

Si Teresita Ssen Lacsamana Marquez ay mas nakilala natin bilang si Winwyn Marquez na anak nina Joey Marquez at Alma Moreno. Siya ay isang mahusay na aktres, modelo, dancer, at beauty queen. Siya rin ang kauna-unahang Pilipina na kinorohahan bilang “Reina Hispanoamericana Filipinas” sa Miss World Philippines 2017 at tuluyan na niyang naiuwi ang korona sa naging pagsabak niya sa Santa Cruz, Bolivia noong Nobyembre 4, 2017. 

Siya lamang ang kandidata na mula sa Asya sa patimpalak na iyon. Nagwagi din siya ng “Miss Ipanema award”. 


Advertisements

Hanggang ngayon ay aktibo pa rin siya sa showbiz at madalas ay mapapanuod din siya sa Eat Bulaga! bilang isang host. Kamakailan lamang ay nag-promote sila ng kanilang pelikula ng batikang aktor na si Raymond Bagatsing na pinamagatang Nelia.

Kabilang ito sa 2021 Metro Manila Film Festival. Maraming mga netizens ang nagkagulo nang lumabas ang isang blind item kamakailan lamang sa isang aktres daw na hindi makapagpromote ng kaniyang pelikula dahil sa siya ay nagdadalang-tao. 

Nang tanungin si Winwyn kung may nagpapasaya ba sa kaniya ngayon, inamin niyang mayroong nagpapatibok ng kaniyang puso at nagpapasaya sa kaniya ngayon ngunit mas pinili daw nilang maging pribado na lamang kaysa isapubliko ang pagkakakilanlan nito. Nang tanungin din naman siya sa interview ni Jimpy Anarcon (Pep.ph) kung siya ay magiging isang nanay na, agad nitong sinagot na mayroon siyang 4 na mga pusa at isang aso. 


Kung mayroon man daw siyang kailangang ibahagi sa publiko ay sa kaniya naman daw ito agad manggagaling at hindi sa ibang tao pa. Marahil ay hati ang opinyon ng publiko patungkol sa naging pahayag ni Winwyn dahil sa tila mayroon siyang pinapahiwatig sa kaniyang mga naging komento. 


Advertisements

Gayun pa man ay nais na rin naman igalang ng kaniyang mga tagahanga ang kaniyang desisyon kung gusto man niyang maging pribado sa personal niyang buhay ngayon. Ang mahalaga daw ngayon sa aktres ay ang bagong proyekto nilang Nelia na malapit nang mapanuod ng publiko.

No comments:

Post a Comment