Advertisements

Thursday, December 2, 2021

Youtubers na sina Viy Cortez at Cong TV, kumpirmadong magkakaanak na ulit!

Si Lincoln Cortez Velasquez o mas nakilala na tin bilang si “Cong TV” ay 30 taong gulang na YouTuber, comedian, musician, vlogger, at online streamer. Isa siya sa mga itinuturing na “top YouTube personalities” sa bansa ngayon. 

Anim na taon na silang magkarelasyon ng isang pang sikat na vlogger na si Viy Cortez. Talagang marami ang tumitingala sa kanila dahil sa dami ng mga pagsubok na kanilang nalagpasan ng magkasama at mga tagumpay na nakakamit sa ngayon. 

Ngunit sa kabila pala ng masasayang mga ngiti at kakulitan nilang dalawa ay mayroon silang matinding pinagdaanan noong Disyembre 2020. Ito ay pagkatapos nilang magbukas ng kanilang mga negosyo at magpatayo ng kanilang napakagandang bahay. 

Nalaman nila na buntis si Viy noong Disyembre 12 at talaga namang naging napakasaya nilang dalawa. Sinabi na nila ito sa kanilang malalapit na kaibigan at kapamilya. 

Nakapagplano na rin sila tungkol sa kanilang baby na tinawag nilang si Kidlat. Ngunit nang araw mismo ng kanilang “monthsary celebration” bilang magkasintahan ay nakaranas ng pagdurugo si Viy at kinumpirma nga nila na wala na ang kanilang baby nang sumunod na araw.


Advertisements

“Dumating siya… blessing siya ni Lord, pero siguro ganun talaga. Baka hindi pa tamang oras, baka may tamang oras. Darating din yung tamang oras. Siguro may dahilan lahat eh. Ayoko

kwestyunin ang Diyos. Gusto ko magtiwala sa kanya kung bakit. Siguro hindi pa ngayon ‘yung tamang panahon.” Malungkot na pahayag ni Viy.

Kasama nilang nalungkot at nagluksa ang publiko ng mga panahong iyon. Ngunit sa kabila ng masakit na karanasan ay hindi nawalan ng pag-asawa ang dalawa. 

At nito lamang Disyembre 2, 2021 ay nagbahagi ng isang vlog si Viy Cortez sa kaniyang YouTube channel na mayroong higit sa 5.18 million subscribers. May pagamat itong “PLASWAN” at dito nga ay kinumpirma niyang siya ay anim na linggo o halos dalawang buwan nang buntis. 


Advertisements


Masayang masaya ang lahat sa kanilang sambahayan at talagang hindi sila makapaniwala dahil nga kakatapos lamang ng opera ni Viy ngunit talagang napakadakila gumawa ng himala ng Panginoon. Sa ngayon ay excited na ang marami na masubaybayan ang bagong kabanatang ito ng kanilang buhay kasama ang kanilang baby Kidlat 2.0. Congratulations Cong at Viy!

No comments:

Post a Comment