Advertisements

Thursday, January 20, 2022

80-anyos na lolo na nanguha lamang ng kaniyang pananim na mangga, inaresto ng mga pulis at ikinulong!

Nito lamang nakaraang linggo ay marami ang nagulat sa balitang may 80-anyos na lolo diumano ang nagnakaw ng 10 kilong mangga kung kaya naman agad itong inaresto ng mga pulis. Ang matandang ito ay nakilala bilang si Narding Flores mula sa Asingan, Pangasinan. 

Para sa maraming mga netizens na nakabasa at nakapanuod sa ginawang ito sa matanda ay talaga namang hindi naging katanggap-tanggap ang naging karanasan ng matandang nagsusumikap lamang mabuhay sa gitna ng pandemya. Ayon pa sa ilang mga ulat, Enero 13 nang magsagawa ng “manhunt operation” sa Barangay Bantog upang tuluyan nang mahuli ang matanda. 

Ayon naman sa Public Information Office (PIO) ng Asingan ay naglabas raw warrant ang 7th Municipal Circuit Trial Court noong December 20, 2021. Sa pagsasalaysay ni Lolo Narding, ang 10 kilong mangga na kaniyang pinitas ay mga mangga na siya rin mismo ang nagtanim.


Advertisements

Naglagay lamang daw ng bakod ang kaniyang kapitbahay bago pa man tuluyang mamunga at maani ang kaniyang mga pananim. 

“Pinipitas ko ‘yung isang puno ng mangga wala pang sampung kilo, ang alam ko sakop namin. Noong binakuran nila, sinakop naman na nila pero tanim ko naman ‘yun,” Pahayag ng matanda.

Ninais din daw sana ng matanda na makipag-ayos na lamang at bayaran ang 10 kilong mangga ngunit nang ibibigay na raw niya ang bayad ay ayaw nila itong tanggapin. Sinabi rin daw ng mga ito na magbayad na lamang siya ng Php6,000 sa kulungan.


Advertisements

Hindi rin naman nagtagal ang matanda sa kulungan dahil nag-ambagan ang mga pulisya sa Asingan Police Station upang makalikom ng Php6,000 at nang makalaya na ang kawawang matanda. Pebrero 8, 2022 ang court hearing ni Lolo Narding dahil lamang sa pag-ani niya ng mga mangga na siya rin mismo ang nagtanim. 

Humingi rin naman ng public apology ang Asingan PIO sa FB post nito at sinabing hindi rin daw dapat husgahan ang caretaker at may-ari ng lupa dahil sila rin daw ang nagpursige na mapawalang-sala ang matanda.

No comments:

Post a Comment