Advertisements

Tuesday, January 18, 2022

Andrea Brillantes at Francine Diaz, nag-aaway nga ba dahil kay Seth Fedelin?

Pinagkakaguluhan ngayon ng maraming mga netizens ang larawan ni Seth Fedelin kasama si Francine Diaz at buong pamilya nito. Tila ba close na close si Seth at Francine para bumisita sa kanilang tahanan ang young actor. 



Dahil dito ay talaga namang marami ang nagtaasan ang kilay kung mayroon nga kayang namamagitan kina Francine at Seth. Naging trending din sa Twitter nito lamang Enero 13 ang mga pangalang "Blythe, Chin, FranSeth, at Francine" 


Advertisements

Ang palayaw ni Andrea ay Blythe habang Chin naman si Francine. Ang FranSeth naman ay nangangahulugan ng pinagsamang pangalan nina Francine at Seth. 

Marami sa kanilang mga fans ang kinilig dahil tila nga mayroong “something” sa dalawang ito habang mayroon din namang iilan na nakikisampatya kay Andrea dahil tila hindi yata nito batid ang mga kaganapan sa kaniyang paligid. Hindi naman lingid sa publiko ang pagtatangi ni Andrea kay Seth kahit noon pa mang magkatambal sila sa “Kadenang Ginto”.

Kasunod pa nito ay napansin rin ng publiko ang pag-unfollow ni Andrea kay Francine sa social media nito. Ngunit agad din namang binawi ng una at muling finallow ang huli. 

Ngunit hindi pa rin ito nakaligtas sa matatalas na mga mata ng mga “Marites” natin na palaging online. Matapos pa nito ay mayroong “cryptic posts” si Andrea sa kaniyang social media account habang nakikinig ng kantang "Paano" ni Zack Tabudlo at "Lose You To Love Me" ni Selena Gomez. 


Ang mga ito ay hinihinalang patungkol kina Francine at Seth. Bagamat wala pa ring kumpirmadong pahayag ang FranSeth, patuloy pa ring dumarami ang mga tanong ng publiko. 



Advertisements

Hindi rin naman pumayag ang mga fans ni Francine sa mga isyung ito at dinipensahan nila ang kanilang idolo. Gayundin naman ang mga fans ni Andrea na simpatya ay sa kanilang idolo. Sana ay mas mabigyang linaw pa ang isyung ito tungkol sa tatlong miyembro ng Goal Squad!


No comments:

Post a Comment