Advertisements

Sunday, January 9, 2022

Daniel Padilla, sinagot na ang mga isyung nag-uugnay sa kaniya at sa aktres na si Barbie Imperial!

Enero 6, 2022 nang kumalat ang ilang mga larawan ng aktres na si Barbie Imperial kasama ang ina ni Daniel Padilla na si Karla Estrada at kapatid nitong si Magui Ford. Ang naturang larawan ay kuha sa tapat mismo ng bahay nina Karla at Daniel. 


Advertisements

Ayon sa ilang mga nauna nang artikulo, ang naturang larawan ay mula sa video ng komedyanteng si Chad Kinis nang mangaroling ang Beks Batallion sa ina ni Daniel noong ika-27 ng Disyembre. Hindi makikita ang aktor sa larawan ngunit marami ang nagtatanong kung bakit naroroon si Barbie, mayroon nga daw bang ugnayan o relasyon ang dalawa? 

Kilala si Daniel hindi lamang bilang isang mahusay at talentadong aktor dahil siya rin ang on-screen love team at nobyo ni Kathryn Bernardo. Setyembre 4, 2021 nang sila ay nagdiwang ng ikasampung taong relasyon nila. 

Talaga namang napakarami na nilang mga tagahanga sa loob at labas ng bansa. Kung kaya naman naging matinding usap-usapan talaga ang isyu patungkol sa kanila ni Barbie.

Lalo na nang maglabas ng kaniyang pahayag ang Pambansang Marites ng mga kalalakihan na si Xian Gaza. Ayon sa post nito, wala raw siyang balak siraan ang anak ni Karla dahil mataas daw ang respeto nito sa mga lalaking kamukha niya. 

Ngunit nais lamang daw niyang linawin kung ano ang ginagawa ni Barbie sa kanilang tahanan. Naging deretso din ito sa pagtatanong kung may namamagitan daw ba sa kanila ng anak ni Karla na si DJ o si Daniel. 

Hindi ito pinalampas ng KathNiel fans na agad namang nagbahagi ng naging palitan nila ng mensahe ng aktor na si Daniel. Sinabi ni Daniel na “Salamat. Haha. Pero wag niyo ng pansinin yun. Nonesense." 


Advertisements

Nagbahagi din naman ang aktor sa kaniyang Instagram story noong Enero 7 patungkol sa naging isyu at inulit niyang ito raw ay "irrelevant" at "nonsense" din daw ang pang-iintriga sa kanya ng isang taong "wala lang magawa." Hindi rin daw ito dapat maging isang "cheating speculation."

No comments:

Post a Comment