Advertisements

Wednesday, January 19, 2022

Francine Diaz, diretsahang sinabi na siya ay single at walang karelasyon ngayon!

Una na nating hinangaan ang The Gold Squad na binubuo nina Andrea Brillantes, Seth Fedelin, Francine Diaz, at Kyle Echarri nang minsang mapanuod natin sila sa "Kadenang Ginto" taong 2018. Ipinamalas nila ang angking talento nila sa pag-arte kasama ang mga batikang artista na sina Albert Martinez, Beauty Gonzalez, at Dimples Romana. 


Advertisements

Talaga namang tinutukan ng publiko ang teleseryeng ito. Nang matapos ang kanilang proyekto ay mas maraming pintuan ang nagbukas para sa mga main cast. 

Lalo na para sa The Gold Squad. Ngunit kamakailan lamang ay pinag-usapan ng husto ang larawan nina Francine Diaz at Seth Fedelin. 

Sa naturang larawan ay makikitang kasama ng pamilya ni Francine si Seth. Nagkaroon sila ng munting salo-salo kung saan naroroon din ang teen actor. 

Matapos nito ay marami na ang nakapansin sa sunod sunod na cryptic posts ng on-screen loveteam ni Seth na si Andrea Brillantes. Agad namang dumipensa ang mga tagahanga nina Francine at Andrea. Hanggang sa ngayon ay wala pa ring linaw ang tunay na kwento sa likod ng larawan na iyon ng FranSeth.

Sa pinakabagong vlog ng dalaga ay diretsahang sinabi nito na wala siyang nobyo at isa siyang single lady. Sa "game of phones" na ginawa nila ni Jake Ejercito na kaniyang guest ay may nakitang Ashley sa kaniyang phone. 


Advertisements

Marami din ang nakapansin sa tatlong puso na kasama ng pangalan na ito. 

"Wag kayong palilinlang pero si Ashley 'yan. Gusto niyo tawagan ko?" komento ni Francine. 

"Marami kasi ang nag-a-assume na itong tatlong heart na'to ay boyfriend ko. Pero si Ashley ito. Kailangan ko lang ng pruweba." dagdag pa niya. 


Nang tawagan naman nila si Ashley ay hindi ito sumagot kung kaya naman usap-usapan pa rin kung babae nga ba siya o lalaki. Hindi rin magawang ipakita ng teen actress ang kanilang usapan dahil sa pribado ito. 


No comments:

Post a Comment