Advertisements

Tuesday, January 4, 2022

Iya Villania, masayang ibinahagi na siya ay buntis muli sa ika-apat nilang anak ng mister na si Drew Arellano!

Si Raelene Elaine Ebaler Villania-Arellano o mas nakilala at hinangaan natin bilang si Iya Villania ay 35 taong gulang na aktres, host, at TV presenter. Marami din ang nakakakilala sa kaniya bilang isang VJ sa music channel na MYX. 

Noon pa man ay marami na ang humahanga sa kaniya dahil sa pagiging propesyonal nito at talaga namang napakabait. Taong 2014 naman nang ikasal sila ng kaniyang longtime boyfriend (10 years) na si Drew Arellano. 


Advertisements

Taong 2016 ay isinilang niya si Antonio Primo. Makalipas naman ang dalawang taon ay ipinangank niya si Alonzo Leon (2018), at taong 2020 ay isinilang niya ang kanilang unica hija na si Alana Lauren. 

Kamakailan lamang ay ibinahagi naman ni Iya na magiging ate na ang bunso nilang si Duday dahil ngayon ay buntis niyang muli. Nang tanungin siya ni Vicki Morales ay inamin nitong siya ay 4 months pregnant na at baby boy muli ang kanilang magiging baby ng mister na si Drew.

Talaga namang bumubuhos ang pagbati sa mag-asawa dahil sa lumalaki nilang pamilya. Kung noon ay masaya na raw ang mag-asawa sa tatlo nilang mga anak. 

Ninais pa nilang madagdagan ang kanilang mga supling dahil alam nilang mas magiging masaya pang muli ang kanilang buong sambahayan. Hindi lamang new baby ang blessings na natanggap ng pamilya Arellano ngayong taon dahil ipinapatayo na rin nila ang kanilang dream house kung saan talaga namang excited na excited na rin ang kanilang mga anak.

Sa June ang buwan ng kapanganakan ni Iya at marami sa kanilang mga tagahanga ang nag-aabang kung sino ang magiging kamukha ng ikaapat nilang anak. Si Drew kaya o si Iya? 

Tunay nga na hindi biro ang magbuntis at manganak. Maraming mga sakripisyo at paghihirap ngunit ipinakita lamang ng pamilya Arellano na mas ipinagpapasalamat nila ang maraming mga bagay higit pa sa mga mahihirap na pagsubok na ito. 


Advertisements

Kung kaya naman tiyak na magiging mas masaya at mas kwela ang pamilya Arellano sa taong 2022 kung saan makikilala na nila ang bagong miyembro ng kanilang pamilya.

No comments:

Post a Comment