Advertisements

Saturday, January 1, 2022

Janno Gibbs, hindi na napigilan pang mag-walk out sa kanilang mediacon dahil sa biro ni Giselle Sanchez!

Ilan lamang sa mga sikat at batikang artista sina Giselle Sanchez at Janno Gibbs. Mayroon ding pelikula ngayon sina Dennis Padilla, Andrew E., at Janno Gibbs, ang “Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo 2 (Aussie! Aussie: O Sige!)”. 

Ngunit sa naganap na virtual media conference ng kanilang proyekto nito lamang ika-28 ng Disyembre ay marami ang nagulat nang bigla na lamang nagwalk-out si Janno Gibbs. Ayon sa ilang mga ulat, ito ay dahil sa naging biro ng mediacon host at moderator na si Giselle Sanchez. 


Advertisements

Sa unang bahagi kasi ng kanilang mediacon ay mayroong "Jojowain o Totropahin Challenge". Kung saan tinanong ang mga babaeng cast ng pelikula na sina Rose Van Ginkel, Ali Forbes, at ang magkapatid na Angela Morena at Stephanie Raz kung sino kina Dennis, Andrew, at Janno ang kanilang jojowain o totropahin. 

Nang matapos sumagot ang mga female cast ay nakatuwaan din naman ni Janno na tanungin si Giselle na game na game naman ding sumagot. 

“Giselle, ikaw naman ang tanungin namin, bibigyan kita [ng choices], one-night stand, boyfriend, pakakasalan?” Tanong ni Janno.

“My gosh, ano ba ‘yan? Papatayin ako ng mga asawa ninyo. Mga barkada ko yung mga asawa ninyo, e. Hahaha!” Agad namang sagot ng komedyana.

Kung mayroon daw siyang papakasalan sa kanilang tatlo, malamang ay si Andrew E. ito dahil hanggang sa ngayon ay sila pa rin ng kaniyang misis na si Mylene. Kung mayroon naman daw siyang magiging nobyo, marahil ay si Dennis ito. 

Wala naman siyang sinagot patungkol sa tanong na kung sino ang nais niyang ka-one night stand.


Advertisements

"Yung one-night stand, I cannot stand you. Hahaha! Baka sipain ako ni Bing. Malakas sumipa itong si Bing Loyzaga. I know from history. Hahaha! May sinipa na ‘yan sa recording studio. Hahahaha!" Pahayag ni Giselle.

Nagbago ang reaksyon ni Janno sa takbo ng usapan nilang ito at kalaunan ay bigla na lamang itong nawala na lamang ito sa screen na ikinagulat nilang lahat.

No comments:

Post a Comment