Advertisements

Friday, January 21, 2022

Joshua Garcia, kumasa sa tanong kung jojowain o totropahin ba ang vlogger na si Ivana Alawi!

Si Ivana Alawi ay isa sa pinakasikat na YouTuber/vlogger ngayon sa bansa. Sa ngayon ay mayroon na siyang higit sa 14.8 milyong subscribers. Hindi na nakapagtataka na marami ang humahanga at sumusuporta sa kaniya ngayon dahil hindi lamang siya maganda at seksi, napakabuti rin ng kaniyang puso. 

Advertisements

Maraming videos sa kaniyang YouTube channel ang nagpapakita kung gaano siya nagmamalasakit sa maraming mga Pilipino. Nagbigay siya ng mga grocery packs, pinansiyal na tulong a,t marami pang bagay para lamang makatulong sa mga taong mas nangangailangan. 

Nito lamang Agosto 2021 ay nagdiwang siya ng kaniyang second anniversary. Dito ay sinorpresa siya ng kaniyang nakababatang kapatid na si Mona ng isang anniversary video. 

Napanuod niya rito ang malalapit niyang kaibigan at ang ultimate crush niya sa showbiz, walang ibang kundi si Joshua Garcia. Mababakas sa reaksyon ni Ivana ang kilig nang makita ang aktor. 

At nito lamang Enero 19 ay mas marami ang kinilig nang sagutin ni Joshua ang tanong kung jojowain o totropahin ba niya si Ivana.

“Siyempre, jojowain. I mean, come on, choosy ka pa ba? Mabait, maganda, sexy – lahat sinabi na,” Pahayag ni Joshua.

“Pero hindi kasi lahat ng tao masasabi mo na meant para maging karelasyon. May nakatadhana sa ‘yo na mami-meet mo lang para maging kaibigan mo, ‘yun lang ‘yung sa ‘kin,” Dagdag pa niya.

Advertisements

Kumasa rin sa hamon ang aktor na i-prank call si Ivana ngunit hindi rin niya nagawang magpanggap ng matagat at inamin niya rin agad na siya ay nasa isang event/campaign para sa mga nais mag-donate para sa mga naapektuhan ng bagyong Odette. Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay pinaalalahanan ng aktor na magpagaling kaagad si Ivana at ang kaniyang pamilya sa COVID-19. 

Talaga namang napakarami ang kinilig sa naging pag-uusap nilang dalawa. Mahahalata din sa kanilang mga boses na medyo nahihiya pa sila sa isa’t-isa.

No comments:

Post a Comment