Advertisements

Friday, January 21, 2022

Julie Anne San Jose, posible kayang mahulog at magkagusto kay Rayver Cruz?

Si Julie Anne Peñaflorida San Jose o mas nakilala natin bilang si Julie Anne San Jose ay 27 taong gulang na singer, songwriter, musician, recording artist, actress, host, endorser, at TV personality. Hindi na nakapagtataka kung bakit marami siyang mga tagahanga at tagasuporta. 


Advertisements

Talaga naman kasing isa siya sa pinakamahusay na performer sa bansa. Kamakailan lamang ay naging maugong na usapin ang pagiging malapit nina Julie Anne at Rayver Cruz. 

Dahil sa parehong single ngayon ang dalawa ay hindi sila nakaligtas sa tanong ng marami kung posible nga kaya na magkamabutihan sila. Ayon naman sa Kapuso singer-actres ay masaya siya ngayon sa kung anong mayroon siya.

"Ang masasabi ko lang, masaya maging masaya. Basta masaya maging masaya, happy lang. Nasagot ko na naman ito before, si Lord lang ang nakakaalam ng lahat. We'll see," Sagot ni Julie Anne nang tanungin siya kung posibleng magkagusto siya kay Rayver.

“We’ve always been close. Sobrang close talaga namin ni Rayver. We enjoy each other's company, saka sobrang okay kaming dalawa. Si Rayver, best friends talaga kami niyan ever since. We've been very close. We're good friends. We've been long-time friends." Paliwanag pa ni Julie Anne. 



Advertisements

Sa ngayon ay malalim na rin ang pagkakaibigan ng dalawa. Sinabi din ni Julie Anne na ang aktor ang kaniyang takbuhan sa tuwing kailangan niya ng makakausap. 

Palagi silang nagkakaroon ng pagkakataon na makapagkwentuhan sa maraming mga bagay tulad na lamang ng mga problema, mga pinagdaraanan, sa buhay pag-ibig man o patungkol sa pamilya.

Positibo at magagandang komento lamang ang naging paglalarawan ni Julie Anne sa kaniyang kaibigan.

"Mabuti siyang tao. He's a good person. Caring siya, thoughtful siya, and he's really someone that you can count on," dagdag pa ni Julie Anne.

 Taong 2018 nang unang beses na maging magkatrabaho sina Rayver at Julie Anne sa musical-variety show na “Studio 7”. Naging magkasama rin sila sa Kapuso reality show na “The Clash” at sa “All-Out Sundays”.


No comments:

Post a Comment