Advertisements

Friday, January 28, 2022

Kelley Day itinanggi ang diumano ay kaniyang pagbubuntis at ang akusasyon na siya raw ang third party sa hiwalayang Carla Abellana at Tom Rodriguez!

Maraming mga netizens ang nagulat kamakailan lamang nang kumalat ang diumano ay paghihiwalay nina Carla Abellana at Tom Rodriguez halos tatlong buwan pa lang matapos nilang ikasal. Ito ay napansin ng mga netizens matapos mag-post ng ilang cryptic messages si Tom Rodriguez sa kaniyang social media account. 

Bagamat wala pang kumpirmasyon at kalinawan patungkol sa isyung ito ay mayroon na namang isang personalidad na nasasangkot dito. Ayon sa ilang mga ulat ay si Kelley Day daw diumano ang third party sa hiwalayang Carla Abellana at Tom Rodriguez! 


Advertisements

Mayroon ding ilang mga usap-usapan na siya ay buntis sa ngayon at hinihinalang ito raw ay sa aktor na si Tom. Agad naman itong pinabulaanan at sinagot ng actress/beauty queen. 

Ayon sa kaniyang Instagram post:

"So before things get too out of hand, I’d like to clarify that I have no knowledge of/ involvement with the controversy," Pasimula ni Kelley.

"I don’t know how or why my name has become linked (I’m surprised too), but what I do know is these accusations about me are false," paglilinaw niya.

Sa ngayon raw ay hindi siya buntis at hindi raw siya nabuntis ninuman habang nasa isang relasyon. Kasalukuyang nasa United Kingdom daw siya ngayon dahil sa isang kapamilya nilang pumanaw at nais na rin niyang maglaan ng oras kapiling ang kaniyang pamilya roon. 

"I have, and always will have the utmost respect for the Couple. They have always treated me with kindness. I hope this clears up the false rumors involving me. So much fake news out there nowadays. I hope we can take more caution with what we choose to believe online." Komento pa ni Kelley.


Advertisements

Sa ngayon ay marami pa rin ang nag-aabang sa magiging pahayag nina Tom at Carla patungkol sa kanilang diumano ay paghihiwalayan. Ngunit para sa kanilang mga malalapit na kaanak at kaibigan, sana raw ay malampasan nila ang anumang pagsubok na kinakaharap nila sa ngayon.

No comments:

Post a Comment