Advertisements

Tuesday, January 4, 2022

Kris Aquino at fiancé nitong si Mel Sarmiento, burado na ang mga pictures at videos sa social media ni Kris, hiwalay na nga kaya?

Si Kristina Bernadette Cojuangco Aquino o mas nakilala natin bilang si Kris Aquino ay 50 taong gulang na television host, aktres, producer, socialite, at businesswoman. Siya rin ang anak ng dating Pangulo ng Pilipinas na si Cory Aquino at dating senador Benigno Aquino Jr. 

Marami ang humahanga sa kaniya dahil sa pagiging mahusay niyang artista at host. Binansagan din siyang Queen of All Media ng publiko. 


Advertisements

Nitong mga nagdaang taon ay aktibo pa rin siya sa social media ngunit marami ang nagulat nang malaman nila ang kaniyang kakaibang karamdaman. Dahil dito ay talagang malaki ang nabawasan sa kaniyang timbang. 

Kamakailan din naman ay naging maingay ang kaniyang pangalan matapos nilang isapubliko ni dating Interior Secretary Mel Senen Sarmiento ang kanilang nalalapit na kasal. Bakas sa mga mata ni Kris ang labis na kasiyahan dahil sa wakas ay natagpuan na niya ang taong makakasama niya habang buhay. 

Boto rin naman ang kaniyang mga anak na sina Josh at Bimby sa kaniyang fiancé. Masaya ang kaniyang mga anak basta’t masaya ang kanilang ina.

Nagkaroon pa ng isang isyu si Kris nang isapubliko nito ang pagtulong niya sa mga Pilipinong nasalanta ng bagyong Odette. Marami ang bumatikos sa kaniya dahil sa kuhang mga larawan at video niya habang namamahagi ito ng tulong. 

Hindi siya pinayagan ng kaniyang mga doktor dahil sa kaniyang pisikal na kondisyon ngunit walang nakapigil sa kaniya na personal na tumulong sa mga apektadong pamilya. Ngunit nito lamang Enero 2, 2021 ay laking gulat ng publiko nang mapansin nilang nawala na ang mga larawan at video nilang dalawa na magkasama. 


Advertisements

Tanging mga larawan na lamang ni Kris at ng kaniyang mga anak at kapatid ang makikita sa kaniyang social media account. Oktubre 2021 lamang ng mag-anunsiyo sila ng kaniyang planong kasal kung kaya naman nagtataka ang marami sa pangyayaring ito. 

Bagamat wala pang kumpirmasyon mula sa kanilang dalawa ay marami na ang nagkokomento na malaki ang posibilidad na hiwalay na nga ang dalawa.


No comments:

Post a Comment