Advertisements

Saturday, January 1, 2022

Kris Aquino, hindi nagpatinag sa kaniyang mga bashers at talagang sinagot ang mga ito nang batikusin siya tungkol sa kaniyang ginawang pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong Odette!

Hindi inaasahan ng maraming mga Pilipino na sasalantahin pa tayo ng isang malakas na bagyo bago pa man sumapit ang araw ng Pasko. Talagang marami ang nawalan ng tahanan at mahal sa buhay nang manalanta ang bagyong Odette sa maraming mga bayan sa Visayas at Mindanao. 


Advertisements

Nakakalungkot man ngunit talagang nagpapakatatag na lamang ang maraming mga Pilipino para sa kanilang pamilya sa mga panahong ito. Hindi rin naman nagpahuli ang mga pulitiko at mga sikat na personalidad sa pagpapaabot ng tulong sa mga taong labis na nangangailangan. 

Isa na nga sa kanila ang Queen of All Media na si Kris Aquino. Siya ay 50 taong gulang na television host, actress, producer, socialite at businesswoman. 

Kamakailan lamang ay ibinahagi niya sa publiko ang ginawa niyang pagtulong sa mga Pilipinong naapektuhan ng bagyo sa Negros Occidental. Tumulong din siya bilang pagsuporta kay VP at Presidential aspirant Leni Robredo.

Hindi napigilan ni Kris na ibahagi sa publiko ang kaniyang nararamdaman patungkol sa pambabatikos ng mga tao sa kaniyang ginawang pagtulong na ito.


Advertisements

“Bakit n’yo ako tuturuan to quietly help? Hindi ko ninakaw ‘yung perang ginamit, hindi pera ng gobyerno, galing sa sarili kong bulsa.” Pahayag ni Kris.

“Kahit Pasko, sorry kahi I’m not a bit sorry. Pasensyahan tayo. Sa mga haters and bashers obvious ba, Im not my brother, who was too humble and proper for his own good, who chose to suffer in silence kaya namihasa na rin kayo.” Dagdag pa niya.

Sa kabila nito ay marami pa ring nagbigay ng suporta kay Kris tulad na lamang nina Angel Locsin, Pokwang at marami pang iba. Maging ang kaniyang mga tagahanga at tagasuporta ay hindi rin nagpatinag at nagpaabot din ng mensahe sa kanilang idolo. 

Sa ngayon ay namamaghinga na siya dahil sa naranasan niyang overexertion dahil sa ginawa niyang pagtulong sa Negros Occidental.


No comments:

Post a Comment