Advertisements

Monday, January 24, 2022

Kris Aquino, nagpahayag ng kaniyang saloobin patungkol sa ginawang pagtrato ni Mel Sarmiento sa kaniyang anak na si Bimby!

Si Kristina Bernadette Cojuangco Aquino o mas nakilala natin bilang si Kris Aquino ay 50 taong gulang na TV host, aktres, producer, socialite, at businesswoman. Bago pa man siya makilala bilang anak ng dating pangulo at dating senador na sina Corazon Aquino at Benigno Aquino Jr. ay hinangaan na natin siya bilang isang mahusay na aktres. 

Binansagan din siyang “Queen of All Media” ng kaniyang mga tagahanga. Nito lamang Oktubre 24, 2021 ay inanunsiyo ni Kris ang nalalapit nilang kasal ng dating Department of the Interior and Local Government secretary na si Mel Sarmiento.


Advertisements

Ngunit Enero 3, 2022 ay muling nagpahayag si Kris nang paghihiwalayan nilang dalawa dahil na rin daw sa hindi bumubuting kondisyon ng aktres. Kamakailan lamang ay pinabulaanan din niya ang pahayag ni Lolit Solis na diumano ay nagkabalikan na silang dalawa. A

yon sa naging pahayag ni Kris, nabigo raw ang dati niyang fiancé na si Mel na magkaroon ng “common decency” na amining nasaktan ang kaniyang anak na si Bimby dahil sa kaniyang mga ginawa. Hindi rin daw nito kahit minsan, kinumusta man lamang ang kaniyang anak kung paano nito tinatanggap ang lahat ng mga pangyayari. 

Ibinunyag din ni Kris na hindi raw pinapansin ni Mel ang mga mensahe ng kaniyang ate sa kaniya dahil nagbabakasakali itong maaayos pa silang dalawa.

"It spoke volumes to me nung nalaman ko from my Ate that she had tried several times to message Mel trying to find a way to communicate with him & hopefully still create a bridge but he actually snubbed my Ate." Pahayag ni Kris.


Advertisements

he actually snubbed my Ate." Pahayag ni Kris.

Talaga namang marami ang nalungkot dahil sa hindi na matutuloy pa ang kanilang kasal. Marami din ang nakikisimpatya ngayon kay Kris dahil sa hirap ng kaniyang pinagdaraanan ngayon dahil sa kaniyang karamdaman. 

Dalangin naman ang paggaling ninyo Ms. Kris, hindi lamang para sa inyong sarili kundi para na rin sa inyong dalawang anak na nagmamahal sa inyo.


No comments:

Post a Comment