Advertisements

Wednesday, January 26, 2022

Mag-asawang Tom Rodriguez at Carla Abellana, totoo nga kayang hiwalay na kahit kakasal pa lamang?

Marahil ay madalas na nating marinig sa ating mga kakilala na ang pagpapakasal ay talaga namang “life changing”. Napakaraming magbabago sa buhay mo sa oras na pinili mong magpakasal na at lumagay sa tahimik. 

Para sa marami, ito ay isang biyaya mula sa Diyos. Dahil hindi naman lahat ay nabibiyaan ng taong magmamahal sa kanila at makakasama nila habang buhay. 

Ang buhay may-asawa ay hindi rin naman perpekto, marahil ay dahil nasanay na tayo bilang isang dalaga o binata noon, talagang mahihirapan tayo sa panibagong yugto na ito ng ating buhay. Mayroong mga pagsubok at problemang darating ngunit ang kainaman naman ay hindi ka na mag-isang haharap sa mga ito. 


Advertisements

Mayroon ka nang katuwang o partner sa yugtong ito ng iyong buhay. Ngunit tulad ng ilang mga bagong kasal, talagang hindi mawawala ang hindi pagkakaunawaan at ang mahihirap na suliranin bilang mag-asawa. 

Tulad na lamang halimbawa ng lumabas na balitang diumano ay posibleng hiwalay na raw ang kakakasal pa lamang na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana. Oktubre 2021 nang sila ay ikasal sa Madre de Dios Chapel sa Tagaytay Midlands. 

Dinaluhan ito ng malalapit nilang kaibigan at kamag-anak. Pitong taon din ang itinagal ng kanilang relasyon bago nila napagdesisyunang magpakasal.

Enero 2022 ay nagbahagi pa si Carla sa kaniyang vlog ng naging annual Christmas dinner nilang magbabarkada kasama ang kaniyang mister. Marami ang nakapansin na sweet na sweet pa rin naman ang dalawa. 

At nito lamang Enero 25, 2022 ay kumalat na nga ang balitang hiwalay na raw ang dalawa tatlong buwan pagkatapos ng kanilang kasal. Naka-unfollow na rin daw sila sa Instagram. 

Bagamat may mga larawan pa sila roon na magkasama ay hindi na makikita ang kanilang mga wedding pictures. Mayroon ding cryptic post si Tom sa kaniyang social media account na mayroong written text na ".float" at mayroon ding itim na background. 



Advertisements

Marami naman sa kanilang mga tagahanga ang nagpakita ng pagmamahal at pagsuporta sa kanilang mag-asawa.

No comments:

Post a Comment