Advertisements

Saturday, January 1, 2022

Maggie Wilson, malungkot ngayong Pasko dahil hindi pinayagang makasama man lamang ang kaniyang anak na si Connor!

Ang panahon ng kapaskuhan ay nakasanayan na nating ipagdiwang kasama ang ating mga mahal sa buhay. Kung kaya naman talagang para bang hindi ito kumpleto at hindi magiging masaya kung hindi natin kasama ang ating mga mahal sa buhay. 

Kamakailan lamang ay hindi na napigilan pa ni Maggie Wilson, 32 taong gulang na British-Filipino beauty queen, aktres, modelo, at entreprenyur na ibahagi sa publiko ang kaniyang mahirap na pinagdaraanan. Habang marami sa atin ang nagsasaya kasama ang ating pamilya ay pinagkaitan naman siyang makapiling ang kaniyang anak na si Connor.


Advertisements

Taong 2010 nang ikasal siya kay Victor Consunji na isang construction magnate at apo ng DMCI founder na si David M. Consunji. Dalawang taon ang lumipas at nabiyayaan sila ng isang anak na pinangalanan nilang Connor. 

Ngunit nito lamang Setyembre 2021 ay isinapubliko na ni Maggie na tuluyan na silang naghiwalay ni Victor. Nilinaw din niyang walang kahit ano mang galit o sama ng loob sa pagitan nilang dalawa. 

Ngunit nito lamang Linggo, Disyembre 26, 2021 ay nag-post ng mensahe si Maggie sa kaniyang social media account kung saan ipinahayag niya rito na hindi siya nabigyan ng pagkakataong makasama ang kaniyang unico hijo sa araw ng Pasko. 48 oras na rin daw siyang naghihintay na ipahiram sa kaniya si Connor ngunit hindi ito ginawa ng dati niyang asawa kung kaya naman talagang masamang-masama ang kaniyang loob. 

Naghanda at nagluto pa raw siya para sa kaniyang anak at naghanda ng regalo na sabay dapat nilang bubuksan. Maraming mga netizens ang nakisimpatya sa kaniya. 


Advertisements

“Over Xmas eve and Xmas day, I was refused time with my son Connor despite an agreement being made prior. It’s been 48 hours, I didn’t get to open presents with him or even have a meal with him. This kind of situation sadly happens in ‘certain’ families and as is seen as ‘normal,’” Pahayag ni Maggie.

Sa pinaka-latest naman niyang Instagram post ay nagbahagi na si Maggie ng video kung saan nagbubukas na ng mga regalo ang kaniyang anak kasama siya.


1 comment:

  1. How to make money from betting on football - Work Tomake Money
    If nba매니아 you're having problems finding a winning bet online for the poormansguidetocasinogambling day of your choosing, then there are งานออนไลน์ plenty of opportunities available right here. https://septcasino.com/review/merit-casino/

    ReplyDelete