Advertisements

Tuesday, January 25, 2022

Marami sa mga tagahanga at tagasuporta ng bagong kasal na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez ang nagulat nang lumabas ang balitang diumano ay hiwalay na raw ang dalawa. Bagamat wala pang kumpirmasyon mula sa magkabilang-panig ay maraming mga netizens ang nakapansin na hindi nan aka-follow ang isa’t-isa sa kanilang Instagram accounts. 


Advertisements

Makikita pa naman ang kanilang mga larawan doon ngunit wala ang kanilang mga wedding photos. Enero 25, 2022 din nang magbahagi ng isang cryptic post ang aktor na si Tom na tila ba mayroon siyang mabigat na pinagdaraanan. Kaugnay ng usaping ito ay hindi rin naman nagpahuli ang self-proclaimed “Pambansang Marites” ng Pilipinas na si Xian Gaza at matapang niyang inilabas ang isang screenshot kung saan mababasa rito ang kaniyang personal na mensahe kay Carla. 

Ayon kay Xian, may gusto lamang daw siyang linawin para na rin sa ikatatahimik niya. Apektado na rin daw kasi ang kaniyang mental health kung kaya naman nagmensahe na siya sa aktres. 

Nagpatuloy pa ito at tahasang itinanong ang mga katagang “How true na may iba siyang nabuntis few months bago ang kasal? Totoo po ba ang tsismis na itey? Or fake news lamang ito?”

Talaga namang labis na nakakagulat ang mga pahayag na ito ni Xian at talaga namang makakasira ito ng reputasyon at maging nang relasyon ng mag-asawa. Matatandaang Oktubre 2021 lamang nang ikasal sina Carla at Tom matapos ang kanilang pitong taong relasyon. 

Umani ng sari-saring komento ang pahayag na ito ni Xian. Hindi rin napigilan ang mga fans ng mag-asawa na magalit kay Xian dahil sa hindi magandang pahayag na ito na maaari pang makapagpalala ng sitwasyon. 


Advertisements


Ano man ang pinagdaraanan nina Carla at Tom ay dalangin ng mga malalapit nilang kaanak at kaibigan na sana ay malutas nila ang lahat nang ito. Hindi madali ang buhay may-asawa ngunit kung haharapin nila ito ng magkasama ay tiyak na mas magiging matatag silang dalawa.


No comments:

Post a Comment