Advertisements

Saturday, January 1, 2022

Paolo Contis at Yen Santos, namataang magkasama diumano sa Boracay as a friend!

Pinagkaguluhan ng publiko ang mga kumalat na larawan nina Paolo Contis at Yen Santos kamakailan lamang. Ayon sa ilang mga ulat, ang rumored couple ay magbabakasyon daw sa Boracay...as a friend lamang.

Namataan ng maraming mga netizens ang larawan nilang dalawa na nasa isang airport. Nakasuot ng shades at mask si Yen habang naka-cap at mask naman si Paolo. 

Sikat na sikat din sa mga social media ngayon ang tag na “as a friend”. Maaalalang nito lamang Setyembre 8, 2021 ay inamin ni Paolo na inimbitahan niya ang leading lady niya sa “A Faraway Land” sa bakasyon niya sa Summer Capital of the Philippines. 


Advertisements

Ito ay kasagsagan ng paghihiwalay nila ni LJ Reyes na higit anim na taon niya ring nakarelasyon. Namataan din silang magkasama sa Manaoag Church sa Pangasinan.

Mayroon silang isang anak, si baby Summer. Namataan sina Yen at Paolo sa Baguio habang kumakain sa isang restaurant. At ngayon nga ay tila magbabakasyon din sila sa Boracay…as a friend. 

Bagamat hindi pa sila umaamin sa tunay nilang relasyon ay marami na agad ang nakakaramdam na sila ay totoong may relasyon na. Ipinagtanggol din ng aktor si Yen sa mga nambabash sa kaniya at sumisisi sa kaniya na diumano ay siya ang dahilan ng hiwalayan nila ni LJ.


Advertisements

"She was never the reason of our break up. I was. Kung matagal na kaming hindi okay ni LJ, it was mainly because of me. Masyado niyo siyang diniin sa issue na to. Pati pag promote namin ng movie nabahiran na ng kung anu ano." Pahayag ni Paolo.

 "When LJ left for the States with the kids, I went to Baguio for 3 days dahil ayaw ko sa Manila at gusto kong makapag isip isip. Naging insensitive ako about the possible effects nung issue and I invited Yen for a day para may makausap since malapit lang siya sa North din. She went there as a friend. Hindi ko naisip na madadamay siya ng ganito. I’m sorry for this." Dagdag pa ni Paolo.

No comments:

Post a Comment