Advertisements

Wednesday, January 19, 2022

Solenn Heussaff, buntis na nga ba sa baby number 2 nila ng kaniyang mister na si Nico Bolzico?

Sa gitna ng mahirap at kumplikadong sitwasyon natin ngayon sa buong mundo dahil sa patuloy na pagkalat ng pandemya sa buong mundo, marami pa rin sa atin ang nananatiling positibo ang pananaw sa buhay. Marami pa rin ang nagpaplano at nangangarap para sa kanilang kinabukasan. 

Halimbawa na lamang ang ilang mga celebrities na talagang pinaplano pa rin ang kanilang pagbubuntis. Batid naman natin na hindi biro ang pagbubuntis at panganganak lalo na sa panahon natin ngayon. 


Advertisements

Napakarami nang pagbabago buhat nang magsimulang kumalat ang pandemya sa buong mundo. Kamakailan lamang ay maraming mga netizens ang nakapansin sa post ni Solenn Heussaff. 

Si Solenn Marie Adea Heussaff-Bolzico ay 36 na taong gulang na Filipina-French VJ, aktres, TV host, model, singer, fashion designer, painter, at professional make-up artist. Isa rin siya sa mga official castaways ng "Survivor Philippines: Celebrity Showdown". 

Nakabilang siya sa "Final Three" ng naturang kompetisyon. Taong 2016 ay ikinasal siya sa kaniyang nobyo na si Nico Bolzico.

January 1, 2020 ay isinilang niya ang panganay nilang anak na si Thylane Katana. Makalipas ang ilang taon ay tila nagpahiwatig si Solenn na gusto na rin niyang sundan ang kanilang anak dahil na rin sa kaniyang edad. 

"Gusto ko, to be quite honest, because 36 na ako and gusto ko dalawang anak so now would be the perfect time." pahayag ni Solenn. 



Advertisements

Kamakailan lamang ay nagbahagi din ng post si Solenn kung saan makikita ang larawan nilang mag-ina. 

"Fun days with you. Love this leotard from bumpsuit, so easy to wear and also stretches if you get preggo." Tinutukoy niya ang kaniyang suot na damit.

Kapansin-pansin din ang tila maliit na baby bump niya sa larawan. Sa ngayon ay wala pang kumpirmasyon o anunsiyo mula sa mag-asawa. 

Talaga namang excited na ang kanilang mga fans na magkaroon muli sila ng isa pang anak, babae man ito o lalaki. 


No comments:

Post a Comment