Advertisements

Sunday, January 9, 2022

“What you see is what you get.” – Pahayag ni Piolo Pascual sa kumakalat nilang sweet photos ni Shaina Magdayao!

Si Piolo Jose Nonato Pascual o mas nakilala natin bilang si Piolo Pascual ay 44 taong gulang na aktor, mang-aawit, modelo, at producer. Marami ang humahanga sa kaniya dahil sa angkin niyang kagwapuhan at pambihirang talento sa pag-arte. 

Kahit nasa 40s na ang kaniyang edad ay itinuturing pa din siyang isa sa mga “Ultimate Leading Man”, at isang “Matinee Idol”. Mayroon na siyang isang anak na kilala na rin sa industriya, ang 24 na taong gulang na si Iñigo Pascual. 


Advertisements

Maraming kumakalat na mga usapin patungkol kay Piolo dahil hanggang ngayon nga ay single pa rin ito. Ngunit nito lamang Oktubre 2021 ay muling pinag-usapan ang ugnayan nilang dalawa ni Shaina Magdayao. 

Ito ay matapos lumabas at kumalat ang sweet photos ng dalawa sa naging pamamasyal at bakasyon nila sa Bohol. Mayroong isang larawan kung saan magkahawak sila ng kamay habang ang isang sweet photo ng dalawa ay nakayakap naman si Piolo sa aktres.

Mayroon din silang larawan kasama ang real-life couple na sina Jodi Sta. Maria at Raymart Santiago. Hindi nagtagal at nagsalita na rin ang aktor patungkol sa tunay na ugnayan nila ni Shaina.

“I think things got a little out of hand because of some photos that went around. It’s just the same. I guess it’s better not to talk about it. Let it just die down because it’s been how many years, and we always say the same thing.” Pahayag ni Piolo.


Advertisements

“I guess, for now, wala… yun na iyon. What you see is what you get, as simple as that.” Dagdag pa niya.

Matagal nang usapin ang tunay na ugnayan ng dalawa. Ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring makuhang malinaw na sagot ang publiko. 

Taong 2017 ay maaalalang ipinahayag ni Piolo sa isang interview noon sa PEP na exclusively dating sila ng aktres. Ngunit para naman kay Shaina ay “very present” daw ang aktor sa kaniyang buhay at nagkikita sila nang madalas.

No comments:

Post a Comment