Advertisements

Tuesday, January 18, 2022

Wil Dasovich at Alodia Gosiengfiao, may kaniya-kaniyang reaksyon sa pagkakansela ng dapat sana ay ipatatayo nilang dream house!

Marami na tayong hinangaan at sinubaybayan na mga celebrity couples. Naghahatid sila ng inspirasyon at good vibes sa publiko. 

Nagkakaroon din sila ng maraming mga tagahanga na mas nagpapatibay pa sa kanilang relasyon. Ngunit sa paglipas ng panahon, tulad ng mga normal ding magkakarelasyon ay nagkakaroon sila ng mga problema at pagsubok, ang iilan ay hindi na napagtatagumpayan pa ang mga suliranin na ito sa kanilang relasyon habang mayroon din namang iilan na nairaraos ito. 


Advertisements

Bago pa man matapos ang taong 2021 ay marami sa mga iniidolo nating celebrity couples ang nagdesisyon nang maghiwalay ng tuluyan. Tulad na lamang nina Wil Dasovich at Alodia Gosiengfiao. 

Si Wil Dasovich ay 30 taong gulang na Filipino-American television personality, modelo, at vlogger. Mayroon nang higit sa 2.72 milyon ang kaniyang mga subscribers. 

Habang si Alodia Gosiengfiao naman ay 33 taong gulang na Filipina cosplayer, modelo, TV presenter, singer, pianist, vlogger, aktres, at co-founder ng “Tier One Entertainment”. Mayroon naman siyang higit sa 1.78 na milyong subscribers sa kaniyang YouTube channel.

Naging kontrobersiyal din ang paghihiwalay ng dalawa noong Nobyembre 2021. At kamakailan lamang ay tila ba nagpapatamaan ang dalawa sa kanilang mga posts online. 


Advertisements


Una nang nag-post si Alodia ng isang larawan niya habang siya ay mayroong suot na magarang gown noong Enero 14 at nilagyan niya pa ng caption na "Hi, ako nga pala yung sinayang mo." Agad din namang nagpasaring si Wil at nag-post ng kaniyang maskuladong larawan habang naglagay din siya ng caption na “Ako nga pala yung sinaing mo!” 

Tulad ng maraming mga netizens, hindi rin nagpahuli ang Pinoy architect na si Oliver Austria dahil nagbahagi din siya ng kaniyang larawan at nag-caption ng "Hi, Ako nga pala sinayang niyo," Siya ang nagdisenyo ng dream home sana nina Wil at Alodia noong sila ay magkasintahan pa.

Ipinaliwanag naman ni Alodia na ang naturang post niya ay isang funny meme lamang na madalas niyang gawin online. Wala siyang intensiyon na magpatama sa kung sino man. Ngunit nagpapasalamat din naman siya sa naging suporta ng publiko rito.


No comments:

Post a Comment