Advertisements

Monday, January 24, 2022

Xian Gaza, mayroong sagot sa isang netizen patungkol sa tsismis diumano kay Ivana Alawi!

Madalas na nating marinig na ang showbiz ay magulo at maingay. Hindi na ito nakapagtataka dahil talaga namang walang katahimikan sa mundo ng showbiz. 

Sa kabila nito ay marami pa ring mga indibidwal ang nagnanais na subukan ang kanilang kapalaran sa industriyang ito. Sa mundong ito, hindi natin maipagkakaila ang napakaraming mga tsismis at sabi-sabi. 


Advertisements

Marahil ay sanay na sanay na nga ang maraming mga Pilipino dito. Kamakailan lamang ay naging sobrang maingay ang pangalan ni Xian Gaza dahil sa walang tigil nitong paggawa ng isyu patungkol sa mga sikat na celebrities. 

Si Xian ay isa raw entreprenyur at social media influencer. Binansagan niya rin ang kaniyang sarili bilang “Pambansang Marites ng Pilipinas”. Madalas din siyang mabalitaan na nag-aalok ng date sa mga sikat na personalidad sa showbiz. 

Halimbawa na lamang ay sina Erich Gonzales at Nadine Samonte. At kamakailan nga lamang ay inalok din niya ng date si Jennie ng BlackPink sa pamamagitan ng billboard sa Pilipinas at sa Korea.

Samantala, kamakailan lamang ay mayroon siyang ibinahaging screenshot ng pag-uusap nila ng isang netizen. Nagtanong ang netizen kay Xian kung totoo raw ba yung tungkol kay Ivana dahil ang alam daw nito ay mayroon na siyang nobyo. 

Marahil ay tungkol ito sa pagiging malapit nina Joshua Garcia at Ivana Alawi. Marami ang nagulat nang aminin ni Ivana na si Joshua ang ultimate crush nito sa showbiz. 


Noong una ay sinagot ni Xian ang netizen at tila pinangangaralan pa nga na huwag makialam sa buhay ng iba. Kahit na raw milyon-milyon ang subscribers ni Ivana ay nararapat pa ding igalang ang kaniyang privacy. 


Advertisements


Kalaunan ay tila nag-iba ang ihip ng hangin at sinabi na nga ni Xian na na-turn off daw kay Ivana ang prinsipe ng Brunei. Hindi na tinuloy pa ni Xian ang dahilan dahil magchacharge daw muna ito. 

Marami ang nag-react at nag-komento sa pahayag na ito ni Xian ngunit naghihintay pa rin ng paglilinaw at kumpirmasyon ang mga fans ni Ivana mula mismo sa kaniya.

No comments:

Post a Comment