Advertisements

Sunday, January 30, 2022

Yeng Constantino, ginulat ang publiko nang magkwento patungkol sa naging panliligaw sa kaniya noon ni Ryan Bang!

Marami ang tila naka-relate sa naging karanasan nina Yeng Constantino at Ryan Bang nang aminin ng dalawa ang tunay na naramdaman nila noon bago pa man tumigil si Ryan sa panliligaw kay Yeng. Ito ay naganap sa isang episode ng “It’s Showtime” kung saan si Yen gang isa sa mga hurado. 

Bigla na lamang nabanggit ni Yeng ang mga taong bigla na lamang nawawala matapos magparamdam at matapos kang pakiligin. Nagulat si Ryan Bang sa naging pahayag na ito ni Yeng. 

Dagdag pa ni Yeng, hindi raw niya ito binusted dahil bigla na lamang daw itong hindi nagparamdam. Kung noon ay palagi siya nitong dinadalhan ng kape, dumating na lamang daw ang isang araw na wala nang paramdam si Ryan sa kaniya. 

Kahit text o tawag ay wala rin daw. Nagpaliwanag din naman si Ryan at sinabing inakala niyang ayaw sa kaniya ng singer ng mga panahon na iyon dahil sa tuwing niyayaya niya itong lumabas ay hindi ito sumasama. 


Advertisements

Kahit pa ginamit ni Ryan ang mga kaibigan niya na sina James Reid at Jason Francisco ay hindi pa rin pumayag noon si Yeng. Nakarating din daw kay Ryan na lumalabas si Yeng kasama si Richard Poon ngunit ang totoo ay praying meeting daw pala iyon. 

Humingi rin naman ng pasensiya si Ryan dahil hindi niya akalain na mayroon pala siyang pag-asa kay Yeng. Sikat na din daw noon si Yeng kung kaya naman talagang nawalan siya ng kumpiyansa sa sarili.

kumpiyansa sa sarili. 

Madalas daw si Yeng pa ang nanlilibre sa kaniya at wala rin daw siyang sariling kotse noon. Masaya naman si Yeng dahil kahit na 12 taon na ang nakararaan ay nagkaroon pa rin ng “closure” sa pagitan nilang dalawa. 


Advertisements

Masaya daw siya at nagpapasalamat dahil nakilala niya si Ryan na talaga namang napakabait at napakasweet daw na tao. Marami naman ang nanghinayang dahil posible palang mabigyan ng pagkakataon ang akala natin ay imposibleng pagmamahalan ng dalawang tao.


No comments:

Post a Comment