Advertisements

Sunday, January 30, 2022

Zia Dantes, naaasahan na ng kaniyang mga magulang sa gawaing bahay at marunong na talagang mag-urong!

Madalas nating marinig sa mga nakatatanda na ibang-iba na talaga ang mga kabataan ngayon kumpara dati. Kung dati raw kasi ay magagalang at masisipag ang mga kabataan, ngayon ay talagang mga pasaway na raw at hindi na maaasahan sa gawaing bahay. 

Ngunit kamakailan lamang, marami ang bumilib at namangha sa anak nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na si Zia Dantes. Ito ay matapos magbahagi ng video ang aktor kung saan makikita ang pagtulong ng 6 na taong si Zia sa mga gawaing bahay. 


Advertisements

Mahusay na itong maghugas ng kanilang pinagkainan. Ayon naman sa kaniyang proud daddy na si Dingdong, nang magkasakit daw at maging positibo ang buong pamilya ay sila sila lamang talaga ang nagtutulungan sa loob ng kanilang tahanan.

Kung kaya naman talagang bawat isa raw sa kanila ay kumikilos. 

"Kasi noong panahon na nagkaroon kaming lahat ng COVID, siyempre kami lang gumagawa ng lahat and kinailangan naming tulungan ang isa't isa," Pagbabahagi ni Dingdong nang makapanayam siya ni Nelson Canlas sa Chika Minute ng 24 oras.

Samantala, marami namang mga netizens ang bumilib din kina Dingdong at Marian dahil sa naging pagtuturo at pagpapalaki nila sa kanilang anak. Sobrang naging hands-on din daw si Marian sa kanilang mga anak buhat nang magpandemya kung kaya naman talagang natututukan niya sina Zia at Ziggy. 


Advertisements

Bagamat labis silang natakot at nabahala para sa kaligtasan ng kanilang mga anak noong nagpositibo silang pamilya, nanatili namang matatag ang kanilang pananampalataya at sa ngayon ay gumaling na ang halos lahat sa kanila. Tunay nga na napakahalaga para sa mga kabataan natin ngayon ang magabayan sila ng kanilang mga magulang. 


Hangga’t maaari ay sa lahat ng aspeto ng buhay dahil darating din ang panahon kung saan kakailanganin na ng mga anak na mag-isa at maging independent. Ito ay para din naman sa kanilang kinabukasan.


No comments:

Post a Comment