Advertisements

Tuesday, February 15, 2022

Aljur Abrenica at AJ Raval, spotted sa isang hotel nitong Valentine’s Day at nakilala pa nga ang CEO ng naturang hotel!

Maraming napa-sana all at marami din naman ang nadismaya nitong nakaraang Valentine’s Day o Araw ng mga Puso. Noon pa man ay ipinagdiriwang na ito ng maraming mga Pilipino. 

Madalas na nagbibigay ng bulaklak at tsokolate ang mga nobyo at asawang lalaki sa kanilang nobya o misis. Ang iba naman ay naghahanda ng sorpresang regalo o di kaya naman ay isang surprise date para mag-celebrate sila sa espesyal na araw na ito. 

Maaaring sa iilan ay ordinaryong araw lamang ito ngunit para sa maraming mga kababaihan ay talaga namang importante ang maalala sila ng kanilang mga kabiyak. Kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng mga Puso ay talagang pinagkaguluhan ng maraming mga netizens ang ilang mga larawan na ito nina Aljur Abrenica at AJ Raval. 

Maaalalang naging maingay ang kanilang pangalan matapos maisapubliko ang paghihiwalay nina Aljur at misis nitong si Kylie Padilla kahit na nga mayroon na silang dalawang mga anak. Marami ang nakisimpatya sa aktres na si Kylie dahil hindi rin naman biro ang kaniyang pinagdaanan at pinagdaraanan bilang isang ina at bilang isang babae. 


Advertisements

Marami din naman ang talagang nagalit ng husto sa aktor na si Aljur dahil sa hinayaan din nitong matapos nang ganoon na lamang ang kanilang pagsasama. Sa kabila ng napakaraming isyung kinasangkutan nila ay ipinahayag naman ni Kylie na gusto na rin niyang maging masaya ang dating asawa kahit na hiwalay na sila.


Advertisements

At nangako rin naman siyang hindi niya ilalayo at ipagkakait dito ang kanilang mga anak. Wala rin daw sama ng loob ang aktres kay AJ Raval dahil matagal na raw silang hiwalay ng dating mister bago pa man nito ligawan ang dalaga. 

Samantala, ilang araw na rin daw matapos ang pagpunta nina Aljur at AJ sa naturang hotel sa Leyte at talagang nag-aabang ng mas marami pang update at larawan ang publiko.


No comments:

Post a Comment