Advertisements

Tuesday, February 8, 2022

Carla Abellana, hindi na nga ba isinusuot ang kaniyang wedding ring?

Isa na marahil ang tambalang Carla Abellana at Tom Rodriguez sa pinakasikat at pinakahinahangaan ngayon sa industriya ng showbiz. Ngunit labis na ikinagulat ng publiko ang diumano ay paghihiwalay daw ng dalawa matapos lamang ang tatlong buwang pagsasama nila bilang mag-asawa. 


Advertisements

October 23, 2021 nang ikinasal ang dalawa na dinaluhan ng kanilang malalapit na kaibigan at kaanak. Ngunit nito lamang January 25, 2022 ay napabalita nga ang diumano ay paghihiwalay daw ng dalawa. 

Marami ang nagulat at nalungkot sa balitang ito ngunit wala pa namang kumpirmasyon mula sa kanila. Sa latest vlog ng aktres kung saan kasama niya ang kaniyang pamilya sa bahay ng kaniyang ina habang ipinagdiriwang ang kaarawan ng kaniyang pamangkin ay marami ang nakapansin na tila hindi niya na suot ang kaniyang wedding ring. 

Ibinahagi niya rin sa kaniyang vlog ang ipinalagay niyang minimalist tattoo sa bandang likod ng kaniyang tainga na isang maliit na puso. Samantala, marami naman sa mga fans nilang mag-asawa ang nagsipag-komento at nagbigay suporta sa kanila.

Marami ang nagsabing sana raw ay maayos pa nila ang kanilang relasyon lalo na at matagal din naman silang naging magkasintahan bago pa sila magpakasal. Sa ilang mga naunang vlog ni Carla noong Dec. 18, 2021, Dec. 15, 2021, Dec. 23, 2021 at Jan. 5, 2022 ay makikita pang suot suot ng aktres ang kaniyang wedding ring kahit na mag-isa lamang siya sa kaniyang vlog. 


Advertisements

Ngunit nito lamang February 6, 2022 sa kaniyang Instagram stories ay kapansin-pansin na wala nang suot na singsing si Carla. Tunay nga na hindi madali ang pinagdaraanan natin sa ngayon lalo na sa gitna ng pandemyang ito. 

Ngunit nasa sa atin pa rin ang mabibigat na desisyon pagdating sa ating buhay kung kaya naman dapat tayong maging maingat at huwag maging padalos-dalos lalo na kung hindi lamang ang buhay natin ang maaapektuhan kundi maging ang buhay at kaligayahan ng mga minamahal natin.

No comments:

Post a Comment