Advertisements

Friday, February 4, 2022

Diether Ocampo, napaulat na sugatan sa isang car accident sa Osmeña Highway!

Marahil dahil na rin sa pagiging laganap ng social media at internet sa iba’t-ibang panig ng bansa ay hindi na nakapagtataka na talagang mabilis nating nababalitaan ang mga tungkol sa paborito nitong artista, pulitiko o personalidad. Tulad na lamang halimbawa ng aksidenteng kinasangkutan ng aktor na si Diether Ocampo nito lamang ika-4 ng Pebrero. 

Ayon sa mga nauna nang ulat ay naaksidente raw ang aktor dakong 12:40 am nitong Biyernes. Ang aktor daw mismo ang nagmamaneho ng kaniyang SUV Ford Explorer nang bigla na lamang itong bumangga sa isang trak ng basura na nakahinto sa may service road ng Osmeña Highway sa Brgy. Pio del Pilar, Makati City, bago pa man dumating sa Arnaiz Avenue. 


Advertisements

Ayon naman sa isang saksi na nakilala bilang ang bantay bayan ng barangay Pio del Pilar na si Joel Alicante ay mabilis daw talaga ang takbo ng sasakyan ng aktor. Labis namang nagulat ang drayber ng trak ng basura dahil mayroong malakas na bumangga sa bandang likuran ng sasakyan nito habang siya ay nangongolekta ng basura. 

Dahil sa lakas ng pagkakabangga ng sasakyan ng aktor ay talagang makikita ang naging pinsala sa bandang kaliwang bahagi ng sasakyan nito. Agad namang nadala sa ospital si Diether, walang malay at mayroong sugat sa kaniyang noo.

Nang magkaroon siya ng ulirat ay nagpupumiglas na raw ito at gustong tumayo. Amoy alak din daw ang aktor ayon sa nauna nang mga ulat. Sa ngayon ay iniimbestigahan pa ang tunay na nangyari sa naturang aksidente. 

Nagparating naman ng suporta ang ilan sa kaniyang mga kaibigan at tagahanga sa industriya. Tunay nga na hindi natin talaga maiiwasan ang aksidente sa araw-araw. 


Advertisements

Ngunit bilang mga responsableng mamamayan ay marapat lamang na magdoble-ingat tayo dahil hindi lamang dapat ang buhay natin ang ating ingatan kundi lalo na ang buhay ng mga tao sa ating paligid.

No comments:

Post a Comment