Advertisements

Monday, February 21, 2022

Erich Gonzales at non-showbiz boyfriend nito, ikakasal na ng ba sa Marso 2022?

Ang pagpapakasal ay isa sa pinakamabigat na desisyon na magagawa natin sa ating buhay. Ito ay dahil sa dito din nakasalalay ang kinabukasan mo at ng pamilyang inyong bubuuin. 

Madalas sabihin ng mga nakatatanda na kung magiging mapalad ka sa  iyong asawa ay tiyak na aasenso ka sa buhay ngunit kapag naman nagkamali ka sa pagpili ng magiging asawa o katuwang mo sa buhay, tiyak na maghihirap at puro pasakit ang iyong mararanasan. Noon pa man ay talagang marami nang pagsubok na kalakip ang pakikipag-isang dibdib ngunit marami din naman itong magandang naidudulot sa ating mga buhay. 

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang larawan ng aktres na si Erich Gonzales kasama ang kaniyang non-showbiz boyfriend na si Mateo Rafael Lorenzo. Ayon sa ilang mga artikulong nailathala na, ang mga marriage banns ay matagal nang bahagi ng ating kaugalian bilang isang bansang maraming nananampalatayang Katoliko.

 Ginagawa ito upang maisapubliko ang nalalapit na pagpapakasal ng dalawang tao. Nababasa ito ng publiko upang matiyak din na hindi pa naikakasal ang sinuman sa kanila o di kaya naman ay hindi sila malayong magkamag-anak. 


Advertisements

Dahil sa larawang ito ay marami ang nagtatanong ngayon kung bakit hindi nagsasalita o hindi ibinabahagi ng aktres ang nalalapit niyang kasal. Kumpleto rin kasi sa detalye ang naturang larawan kung saan nakasaad doon na ang nais nilang petsa ng kanilang kasal ay ika-23 araw ng Marso ngayong taon.

Sa edad ni Erich na 31 ay talagang matagal nang inaabangan ng kaniyang mga tagahanga na siya ay lumagay sa tahimik. Marami na din siyang nakarelasyon noon na hindi naging matagumpay kung kaya naman talagang nasasabik na ang lahat na sa wakas ay magpapakasal na ang aktres. 


Advertisements

Si Erika Chryselle Gonzales Gancayco ay isang mahusay na aktres mula sa Cebu City. Marami na siyang nagawa na pelikula at teleserye kung saan naipamalas niya ang talent niya sa pag-arte.

No comments:

Post a Comment