Advertisements

Tuesday, February 1, 2022

Kiko Estrada, dine-date ang beauty queen na si Janelle Lewis!

Marami na tayong natunghayan na relasyon at pag-iibigan sa showbiz. Karamihan ay talaga namang nakaka-inspire habang ang iba naman ay mabilis ding natutuldukan. 

Marahil ay marami sa atin ang labis na nagtataka kung bakit hinahayaan pa nilang maglaan ng oras at panahon sa isa’t-isa kung bandang huli ay mauuwi rin naman pala sa hiwalayan ang lahat. Sabi ng mga matatanda sa mga kalalakihan ngayon na nasa wastong gulang na, kung wala naman kayong balak pakasalan ang isang babae huwag na ninyong saktan pa o paasahin. 


Advertisements

Tunay nga naman na napapanahon ang mga ganitong aral na ipinapahayag sa atin ng mga nakatatanda sa atin. Hindi natin ito dapat balewalain dahil bandang huli ay tayo rin naman ang mag-aani ng lahat. 

Kamakailan lamang ay marami na tayong nababalitaan na magkakarelasyon ngunit ilang linggo o ilang buwan lamang ang lumipas ay magugulat na lamang tayo na hiwalay na sila at nakahanap nap ala kaagad ng bagong pag-ibig. Halimbawa na lamang ang aktor na si Kiko Estrada. 

Si Jason Joseph Francis Carlos Diaz Ejercito o mas nakilala natin bilang ang aktor na si Kiko Estrada ay 26 na taong gulang na aktor at modelo. Siya ay anak nina Gary Estrada at Cheska Diaz. 

Ayon sa ilang mga ulat, marami na rin siyang nakarelasyon na magagandang artista noon pa man halimbawa na lamang sina Kim Rodriguez noong 2015 hanggang 2016, Barbie Forteza taong 2016 hanggang 2017, Devon Seron noong taong 2018 hanggang 2020. Taong 2021 naman nang maging maingay ang pangalan nina Heaven Peralejo at Kiko Estrada ngunit makalipas lamang ang ilang linggo ay ipinahayag ng aktres na siya ay single na muli ngunit hindi pa handang pumasok sa panibagong relasyon.


Advertisements

Samantala, sa pagpasok naman ng 2022 ay muli na namang umugong ang pangalan ni Kiko na madalas daw makita kasama ng isang magandang beauty queen. At kamakailan lamang ay umamin na din si Miss World Philippines 2021 Second Princess Janelle Lewis na sila nga ay nagde-date na ng aktor.

“We’re dating po. Me and Kiko po are dating po. Yes po,” Pahayag ni Janelle nang kapanayamin siya ng ABS-CBN.

Namataan ding kasama ni Kiko at Janelle ang ina ng aktor na si Cheska sa isang bakasyon.

No comments:

Post a Comment