Advertisements

Friday, February 4, 2022

Mag-asawang Ellen Adarna at Derek Ramsay, nagdiwang ng kanilang first anniversary bilang magkasintahan at nagpalitan pa ng sweet messages sa isa’t-isa!

Sweet na sweet at talaga namang mababakas sa mga mata ng mag-asawang Ellen Adarna at Derek Ramsay ang pag-ibig nila sa isa’t-isa. Halos isang taon na rin ang nakalipas mula nang pag-usapan ang maging kontrobersiyal ng kanilang relasyon. 

Si Ellen kasi ay naging karelasyon muna noon ni John Lloyd Cruz kung saan nagkaroon din ng bunga ang kanilang pagmamahalan. Ang anak nilang si Elias Modesto. Nang magwakas ang relasyon ng dalawa ay naging malapit naman sina Derek at Ellen dahil na rin sa kanilang mga common friends sa industriya. 

Dahil dito ay mas marami pa ang naintriga sa tunay na ugnayan ng dalawa lalo na at nadadalas na makita silang magkasama. At makalipas lamang ang halos isang buwan pagkatapos nilang kumpirmahin ang kanilang relasyon sa publiko ay inalok na kaagad ng kasal ng aktor si Ellen na agad din namang tinanggap ng huli. 

Nito lamang Biyernes, ika-apat ng Pebrero ay nagdiwang sila ng isang taong anibersaryo nila bilang magkasintahan. Binati rin nila ang isa’t-isa sa kanilang social media accounts sa pamamagitan ng napakasweet na mga mensahe.


Advertisements

Una nang nag-post si Ellen at sinabing:

“Then (same day last year) and now [heart emoji] If you didn’t marry me in a heartbeat, today would be our 1st year anniversary together (boyfriend-girlfriend)… but, gigil na gigil ka. Happy Anniversary ex-boyfriend I love you.”

Hindi naman nagpahuli ang kaniyang mister at nagkomento rin ito at sinabing: “I love you too much and I'm proud of that!”


Advertisements

Makalipas ang ilang oras ay nag-post din naman si Derek ng isang mensahe para sa kanilang anibersaryo.

 “Happy first year my love as of your boyfriend. Looking forward to our first year as your husband. I love you.” Pahayag ng aktor.

Marami ang kinilig sa kanilang relasyon at sa tunay na kaligayahan na nadarama nila ngayon bilang ganap na mag-asawa. Marami man silang bashers ay hindi na nila ito iniintindi pa dahil mas mahalaga ang isa’t-isa para sa kanila kaysa ang sasabihin ng iba.

No comments:

Post a Comment