Advertisements

Tuesday, February 15, 2022

Maymay Entrata, ipinakilala na sa publiko ang napakagwapo niyang nobyo na isang foreigner!

Sa industriya ng showbiz madalas ay kinakailangang ilihim ng ilang mga sikat na personalidad ang kanilang relasyon. Hindi dahil sa ikinakahiya nila ang mga ito ngunit madalas ay kailangang maging makatotohanan ang “chemistry” nila ng kanilang mga magiging on-screen partner. 

Marahil nabalitaan din ninyo na noong ‘90s pa nga ay itinatago rin ang katotohanan kung kasal nga ba o hindi ang isang pasikat na artista o kung mayroon na itong mga anak. Kapag ang isang artista kasi na nagsisimula pa lamang sa industriya ay wala pang karelasyon, mas nagiging madali ang pagkakaroon nila ng fan base at pagiging sikat ng kanilang nabuong love team. 

Ngunit para sa aktres at modelong si Maymay Entrata, hindi na niya nais pang ilihim ang katauhan ng taong labis na nagpapasaya sa kaniyang puso ngayon. Sa wakas ay ipinakilala na ni Maymay Entrata ang kaniyang nobyo sa kaniyang social media post nito lamang nakaraang Araw ng mga Puso.


Advertisements

Sa kaniyang post ay makikitang kasama niya ang isang lalaking foreigner na nakayakap din sa kaniya. Nilagyan niya rin ito ng caption an “Happy Birthday my Valentino”. 

Marami rin sa kaniyang mga katrabaho sa showbiz ang nagulat sa rebelasyon niyang ito ngunit lahat naman sila ay masaya sa estado ngayon ng puso ng aktres. Ilan sa mga celebrities na bumati at nagkomento sa post ni Maymay ay sina Liza Soberano, Angel Locsin, Mimiyuuuh, at marami pang iba. 

Naging simple at maiksi lamang ang pahayag na ito ni Maymay ngunit noon pa man ay nababanggit na rin niyang may nagpapasaya na ng kaniyang puso, hindi lamang niya ito pinangangalanan. Hiling din naman ni Maymay ang pagsuporta ng publiko sa kaniyang naging desisyon na ipakilala na ang kaniyang minamahal. 


Advertisements

Maaalalang minsan nang na-link ang pangalan ng dalaga sa kaniyang mga on-screen partner tulad na lamang nina Edward Barber at Donny Pangilinan. 

No comments:

Post a Comment