Advertisements

Wednesday, February 9, 2022

Ogie Diaz kinausap si Nash Aguas patungkol sa usaping buntis daw ang nobyang si Mika Dela Cruz, hindi raw ito totoo ayon sa aktor!

Isa na marahil sa pinakasikat na young couple ngayon ang tambalang Nash Aguas at Mika Dela Cruz. Si Aeign Zackrey Nash Victoriano Aguas o si Nash Aguas ay 23 taong gulang na aktor, businessman/entrepreneur, at isang real-estate investor. 

Habang ang kaniyang nobya naman na si Mika Dela Cruz ay si Mariko Nicolette Egger dela Cruz sa tunay na buhay. Siya ay 23 taong gulang din na aktres, singer at modelo. 

Malaki rin ang pagkakahawig niya sa kaniyang ate na si Angelika Dela Cruz. Noong nakaraang taon ay naging usap-usapan na ang diumano’y pagdadalang-tao ng aktres matapos mapansin ng mga netizens na tila lumalaki daw si Mika. 

Sa pagsisimula ng taong 2022 ay muli na namang umingay ang usapin na ito dahilan upang tanungin na mismo ni Ogie Diaz si Nash.


Advertisements

“Kausap ko nga si Nash Aguas. Sabi niya sa akin kasi may blind item, 'O last year pa 'yan e na na-blind item si Mika na buntis daw, ngayon may lumabas na naman?' Oo may lumabas na naman, di totoo yan tito Ogie," Pahayag ni Ogie.

Sa ngayon ay tumatakbo bilang konsehal ng Cavite City si Nash. Dagdag pa ni Ogie, medyo “biggie” daw talaga ang aktres na si Mika sa ngayon dahil sa wala pa itong trabaho at nasa bahay lamang. 

Ngunit ngayon ay magsisimula na raw siya sa kaniyang pagbabawas ng timbang dahil magsisimula na siya ulit magtrabaho. Talagang marami ang nagulat sa balitang ito dahil nga bata pa rin naman ang magkasintahan at tiyak na marami pa silang nais maabot sa kanilang buhay. 


Advertisements

Hindi rin kasi biro ang pagkakaroon ng anak at ng sariling pamilya lalo na sa panahon ngayon. Kung kaya naman marahil ganoon na lamang ang pag-aalala ng kanilang mga tagahanga. 

Ngunit tulad nga ng ilang mga artistang nagkaroon ng pamilya sa murang edad, hindi naman ito ang katapusan ng lahat bagkus ay isa itong napakagandang biyaya mula sa Diyos na dapat ding ipagpasalamat.

No comments:

Post a Comment