Advertisements

Wednesday, February 9, 2022

Toni Gonzaga, kinumpirmang iiwanan na ang “Pinoy Big Brother” makalipas ang 16 na taong pagiging main host nito!

Naging malaking bahagi na rin ng buhay nating mga Pilipino ang panunuod ng mga palabas sa telebisyon kahit na nga mas moderno na ngayon at mas marami na tayong mapapanuod sa ilang mga platforms ay mayroon pa ring iilan sa atin na mas gustong manuod ng mga programa sa telebisyon. Ang mga programa ding ito ang madalas na nagiging daan upang makilala ang ilang mga talentadong Pilipino ngayon sa industriya. 

Tulad na lamang halimbawa ng Big Brother reality game show franchise na Pinoy Big Brother. Marami na ang sumikat mula dito at nabigyan ng pagkakataong makaahon sa kahirapan. 

Maliban sa mga housemates ay hinangaan din natin ng husto ang mga mahuhusay na hosts ng programa tulad na lamang halimbawa nina Robi Domingo, Melai Cantiveros, Bianca Gonzalez, at Toni Gonzaga. Ngunit kamakailan lamang ay naging kontrobersiyal ang pagsuporta ni Toni sa isa sa mga kumakandidatong pangulo dahilan upang makatanggap siya ng napakaraming panghuhusga at pangungutya mula sa maraming mga netizens. 


Advertisements

Mayroon ding ilang mga nagsasabing i-boycot ang kaniyang vlog at mga endorsements. Sa kabila ng mga masasakit na salita at panghuhusgang natanggap niya ay nananatili pa rin siyang matatag at positibo. 

At nito lamang ika-9 ng Pebrero ay isinapubliko na ni Toni ang kaniyang pagbibitiw bilang main host ng “Pinoy Big Brother”. 

“From witnessing all my co-hosts transition from housemates to PBB hosts are just some of the best moments in my life sa bahay ni Kuya!” Komento ni Toni.

“Today, I'm stepping down as your main host. I know Bianca and the rest of the hosts will continue the PBB legacy,” Dagdag pa niya.


Advertisements

Sa loob ng 16 na taon ay naging malaking pribilehiyo daw sa kaniya ang pagiging bahagi niya ng naturang programa. Hindi rin daw matatawaran ang kaniyang mga naging karanasan at mga naging alaala sa programang ito. 

Kung marami man ang humuhusga at humahatol sa kaniya ngayon, marami din naman ang sumusuporta sa kaniya at rumerespeto sa kaniyang desisyon bilang isang malayang mamamayan ng Pilipinas.

No comments:

Post a Comment