Advertisements

Thursday, February 17, 2022

Toni Gonzaga, pinag-uusapan na namang muli dahil sa naging performance nito sa campaign rally ng sinusuportahan niyang presidential aspirant!

Nalalapit na nga talaga ang araw ng eleksyon. At talagang gigil ang maraming mga Pilipino sa pagsuporta sa kanilang mga pambato. Hindi na rin naman ito bago sa marami sa atin dahil noon pa man ay talagang nararanasan na natin ang mainit at maingay na eleksyon. 

Ngunit maliban sa pangalan ng mga sikat na personalidad na kumakandidato sa ngayon, sobrang ingay din naman ang pangalan ng isang mahusay na host at aktres. Siya ay walang iba kundi si Toni Gonzaga. 


Advertisements

Si Celestine Cruz Gonzaga-Soriano o mas hinangaan natin sa kaniyang screen name na Toni Gonzaga ay isang 38 taong gulang na singer, aktres, entreprenyur, prodyuser, vlogger, at batikang host. Noon pa man ay talagang marami na ang humahanga sa kaniya dahil sa pagiging mahusay niyang artista. 

Ngunit mas marami ang humanga sa kaniya nang magkaroon siya ng sarili niyang YouTube channel kung saan marami siyang mga interesanteng mga paksa at madalas ay nag-iimbita din siya ng mga kilalang personalidad. Ngunit ilang buwan pa lamang ang nakalilipas ng maging kontrobersiyal ng kaniyang pangalan dahil lamang sa ginawa niyang pagsuporta sa isang presidential aspirant.

Hanggang sa ngayon ay nananatili pa rin siyang tahimik ngunit kapansin-pansin din kung gaano siya katatag at gaano siya katapang sa kabila ng napakaraming negatibo at panget na komento sa kaniya ng publiko. Marami din naman ang mga taong sumusuporta sa kaniya at rumerespeto sa kaniyang mga naging desisyon. 

Samantala, umugong na namang muli ang kaniyang pangalan dahil sa tila makabuluhang mensahe niya sa naging performance niya sa campaign rally ng presidential candidate na kaniyang sinusuportahan sa Ilocos Norte. Kinanta niya ang sikat na awitin ni Katy Perry na may pamagat na “Roar”. 


Advertisements

Sa kaniyang naging pag-awit ay marami ang nakapansin na itinuturo niya ang kaniyang pambato bilang susunod na president at tila tinawag niya ito ng tigre. Kilala ang presidential aspirant na ito bilang “Tigre ng Norte” habang “Agila ng Davao” naman ang kaniyang bise-presidente. 

Hindi rin nakaligtaan ni Toni ang kanilang senatorial line-up. Ano nga kaya ang magiging resulta ng nalalapit na eleksyon? 


Mas magiging mainit pa kaya ang komento ng mga bashers ni Toni sa mga susunod na buwan? Mas dadami pa kaya ang kaniyang mga fans at supporters?


No comments:

Post a Comment