in

Napakaganda at parang dalaga na! Zia Dantes 7th Birthdaay sinorpresa ni Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Makalipas ang ilang araw matapos ipasilip sa publiko ang napakaganda at mala resort na tahanan ng Kapuso celebrity couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, ay tila tuloy na tuloy na nga ang kanilang masayang selebrasyon ng kapaskuhan sa kanilang bagong tahanan.

Credit: Marian Rivera Facebook

Ngunit bago pa man sumapit ang araw ng pasko, ay isang napakasayang selebrasyon muna ang ibinahagi nina Dingdong at Marian sa kanilang magkahiwalay na Instagram account nito lamang, Miyerkules, November 23, 2022.

Credit: Marian Rivera Facebook

Ang araw nga na ito ay ang naging pagdiriwang ng ikapitong kaarawan ng kanilang panganay na anak na si Zia Dantes. Sa Instagram post ng Kapuso Primetime King, ay dito makikita ang kanilang inihandang sorpresa para sa kaarawan ni Zia, na kung saan ay ibinahagi ni Dingdong sa mga larawan ang naging reaksyon ng kanilang anak sa nasabing birthday surprise party para sa kaniya.

Credit: Marian Rivera Facebook

Nagmistulang masaya at makulay ang birthday party na ito ni Zia, magmula sa kaniyang Care Bears-themed party na inihanda sa kanilang bagong bahay sa Makati City. Maliban sa kaniyang makulay at napakasayang birthday party, ay tila naging agaw pansin naman sa mga netizens ang taglay na kagandahan ni Zia, na siyang blooming na blooming sa kaniyang suot na floral dress.

Credit: Marian Rivera Facebook

Sa litratong ibinahagi ni Marian sa kaniyang IG post, ay makikita ang napakagandang larawan ni Zia, kasabay rin ang kaniyang birthday cake na talaga nga namang kabilang rin nito ang kaniyang edad ngayon.

Credit: Marian Rivera Facebook

Ayon sa Kapuso Primetime Queen, “Happy birthday Ate Z! Love you soooooooo much…”
Samantala, hindi naman nagpahuli ang kapatid ni Zia na si Sixto na talagang tumulong rin sa paghahanda at pag-sorpresa sa kaniyang Ate Zia, na siyang naging katuwang ni Dingdong at Marian sa paghahanda.

Credit: Marian Rivera Facebook

“The “let’s do it” b@ttle cry in preparation for Ate Z’s surprise.” Saad ni Dingdong.

Credit: Marian Rivera Facebook

Marami sa mga netizens ang nagbigay ng kanilang pagbati at maging ang ilan sa mga kilalang personalidad sa showbiz na sina Luis Manzano, Julie Ann San Jose, Melissa Gohing-Naccino, AiAi Delas Alas, Kyline Alcantara, KC Concepcion, Liz Uy, Chynna Ortaleza, at Manilyn Reynes ay nagbigay rin ng kanilang pagbati para kay Zia.

Written by EDITOR NP

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Ating tingnan ang napakagandang larawan ni Kendra Kramer talaga namang pinakita nya dito na sya ay isang ganap ng dalaga.