in

Isang 30-anyos na lalaki na nagmumula sa Palawan at nagsisimula pa lamang sa pagbuo ng kanilang pamilya ang masuwerteng nanalo ng P36.2 milyong premyo sa jackpot sa lotto 6/42.

Isang 30-anyos na lalaki na nagmumula sa Palawan at nagsisimula pa lamang sa pagbuo ng kanilang pamilya ang masuwerteng nanalo ng P36.2 milyong premyo sa jackpot sa lotto 6/42.

Sa inilabas na pahayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), sinabi na isang taga-Puerto Princesa ang maswerte at nag-claim ng kaniyang premyo sa tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong mula sa draw na ginanap noong Sept. 07, 2023.

Ang mga lumabas na numero sa nasabing draw ay 03-31-15-19-10-27, at ang kabuuang premyo ay umabot sa P36,257,127.40.

Ayon sa lotto winner, ito ay isang napakagandang biyaya para sa kanila ng kanyang asawa. “Napakagandang biyaya nito para sa amin ng asawa ko. Sa totoo lang, nagsisimula pa lang kaming bumuo ng sarili naming pamilya,” aniya sa pahayag ng PCSO.

Halos isang dekada na umano siyang tumataya sa lotto, at plano niyang gamitin ang premyo para sa negosyo at real estate.

Samantala, may draw mamaya ng gabi, Lunes, Oct. 23, para sa Grand Lotto 6/55 na may premyong P45 milyon, at Megalotto 6/45 na may P26 milyong nakalaang premyo.

SOURCE: GMANEWS

Written by EDITOR NP

Jhong Hilario shared a video of their trip to Disney World with his daughter.

Gaile Francesca ay nananawagan sa kanyang ina na si Abegail Rait na huwag pansinin ang mga kritiko: “Hindi nila alam ang buong istorya.”