in

Wow! Bagong Taon bagong milyonaryo! tatlong tumaya ang nanalo ng Php 108.1 milyon na Jackpot sa Lotto 6/42!

Hindi lang isa, hindi dalawa kundi tatlong manlalaro ang nanalo at magbabahagi ng Php 108.1 milyon mula sa draw ng Lotto 6/42 noong Martes, Enero 2, 2024, ayon sa pahayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ang mga suwerteng manlalaro na bumili ng mga nanalong tiket mula sa mga outlet ng lotto sa San Miguel, Bulacan; Tondo, Manila; at Pila, Laguna ay nakatama sa nanalong kombinasyon na 04-22-07-10-29-14 na may kabuuang premyong Php 108,072,834.00.

RELATED NEWS: Isang 30-anyos na lalaki na nagmumula sa Palawan at nagsisimula pa lamang sa pagbuo ng kanilang pamilya ang masuwerteng nanalo ng P36.2 milyong premyo sa jackpot sa lotto 6/42.

Upang makuha ang premyo, kinakailangan ng mga suwerteng manlalaro na pumunta sa pangunahing opisina ng PCSO sa Mandaluyong City at magpakita ng nanalong tiket at dalawang ID.

Ang mga nagbenta ng tiket ay makakatanggap ng 1 porsyentong komisyon mula sa premyong jackpot nang hindi lalampas sa PHP1 milyon.

Ayon sa TRAIN law, ang mga premyo sa lotto na higit sa PHP10,000 ay sakop ng 20-porsyentong buwis na final. Kapag nakuha na ng mga nanalo ang jackpot, babawasan ito ng 20 porsyento.

Written by EDITOR NP

Bida-bida? Binatikos ni Cristy Fermin ang madalas na talumpati ni Paolo Contis sa Eat Bulaga

PCSO: Walang nanalo sa P541 milyon na Super Lotto 6/49 jackpot